ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pagtiyak ni Max Collins: 'Innamorata', mapagkukunan ng inspirasyon

Bago pa man gampanan ni Max Collins ang karakter niya sa Innamorata (My Love) ay puspusan ang kanyang paghahanda para rito. Bukod sa pagkakaroon ng workshop ay pinag-aralan din niya ang kanyang gagawing pag-atake sa role ni Esperanza.
“Ang preparations ko rin more of internal. After kong nabasa ‘yong script, ininternalize ko ‘yung character ko tapos ‘youg mga pinagdaanan niya. ‘Yun ang gagamitin ko when it comes to attacking my character’s scenes,” paliwanag niya.
Sa kanyang pag-i-internalize sa kanyang character, may pinaghugutan ba siya?
“Lahat naman tayo may pinaghuhugutan eh. I think lahat po ng artista meron talaga. Marami akong magagamit na memories,” pag-amin ng Kapuso actress.
Ano bang mga memories ang kanyang gagamitin dito sa kanyang role as Esperanza?
“Siguro, ‘yong similarities namin ni Esperanza is lumaki siya na walang nanay o tatay. Tita niya lang yung kasama niya. Ako naman, lumaki ako na wala ang dad ko, so medyo nakaka-relate lang ako ng konti,” pagbahagi niya.
Dagdag pa niya, “Siyempre, malayo rin ang story ko sa story niya, but at least, kahit papaano nako-connect ko rin ang sarili ko sa kanya. May mga similarities din.”
Ang kuwento ni Esperanza ay puno ng mga pagsubok lalo na nang magkaroon siya ng rare skin disease – ang Porphyria. Sa mga pinagdaanan ni Esperanza sa kanyang buhay, may maipapayo ba si Max para lumakas ang kanyang loob na harapin ang mga ito?
“Actually, nakakatuwa yung tanong, kasi siya ang nagbibigay sa akin ng inspiration. Mahilig siyang magbasa, mahilig siyang mag-memorize ng mga quotes na inspiring. So, kahit ganooon ‘yung itsura niya or ‘yung background niya hindi masaya, hopeful pa rin siya. Happy pa rin siya,” paliwanag ni Max.
Kaya imbes na siya ang magbigay payo sa kanyang karakter na si Esperanza tila siya ang binibigyang inspirasyon at aral nito.
“Nakakatuwa kasi ‘di ko alam kung saan nangagaling yung happiness niya. Yung lakas ng loob niya, mas natututo ako sa kanya kesa the other way around,” pahayag niya.
Bago magtapos ang interview ng GMANetwork.com kay Max, nag-iwan siya ng mensahe para sa mga Kapuso viewers:
“Napakaganda ng kwento [ng Innamorata] kakaiba siya sa lahat ng napapanood niyo. Ma-e-enjoy niyo po ang kuwento. Ma-i-in love kayo sa bawat characters namin. Ma-i-inspire rin kayo sa sitwasyon ni Esperanza.”
Samahan si Max Collins sa kanyang pagbibigay buhay sa karakter ni Esperanza sa Innamorata pagkatapos ng Villa Quintana this February, only on GMA Afternoon Prime.
Para sa updates sa mga shows ng GMA at ng mga paborito niyong Kapuso artists, mag-log on sa www.gmanetwork.com. -- Eunicia Mediodia/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: innamorata, maxcollins
More Videos
Most Popular