ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz, may commercial na
Sa pictorial ng Anak Ko 'Yan last August 2013 unang naitanong ng GMANetwork.com kay Jennylyn Mercado kung gusto ba niyang mag-artista din ang kanyang unico hijo na si Alex Jazz.
Hindi daw niya papayagan si AJ, na five years old na ngayon, na pumasok sa showbiz. Ayaw niyang maranasan ng kanyang anak ang hirap na pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lamang siya, pati na rin ang pagod at puyat sa taping, at mga intriga na posibleng kakaharapin nito.
"Hindi ko papayagan. Ako na lang siguro, huwag na siya. Hanggang pictorial na lang, pero siguro pagdating sa showbiz, I don't think kakayanin ko pa," paliwanag niya.
Makalipas ang ilang buwan, hindi pa rin nagbabago ang desisyon ni Jen nang aming makapanayam sa Rhodora X mall show last January 24. In fact, hindi nga dinadala ni Jen ang anak sa taping dahil ayaw niya itong magkasakit.
"Alam mo naman ang environment ng taping, minsan medyo magulo, iba-iba ang location niyo. Hindi mo alam kung maalikabok ba, kung may bacteria ka bang makukuha. Ayoko mag-risk na dalhin siya sa mga ganung lugar. Ang hirap kasi kapag nagkakasakit ang bata," paliwanag niya.
Jen also shared that AJ has appeared in print ads and a milk commercial, pero hanggang doon na lang daw muna iyon.
"Sabi ko, i-try ko lang ang commercial na 'to kung kakayanin ng bata. Pero kapag magkakaroon siya ng hard time doing this, I can't continue. Gusto ko pa rin na naka-focus siya sa studies niya at i-enjoy ang childhood niya bilang normal na bata," pagbahagi niya.
Kinaya naman kaya ni Jazz ang paggawa ng isang commercial?
"Kaya niya, at nag-enjoy siya surprisingly. Hindi ko alam kung bakit niya nagagawa ng tama. Siguro dahil pareho kami ng tatay niya na artista, pero ayoko pa rin," masaya niyang kwento
Catch Jennylyn Mercado as Rhodora and Roxanne in Rhodora X, weeknights after Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, on GMA Telebabad. -- Michelle Caligan, Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: jennylynmercado
More Videos
Most Popular