ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mga katrabaho at celebrities, nagluksa sa pagpanaw ni Roy Alvarez


Nagluluksa ang mga katrabaho't kaibigan in Roy Alvarez sa industriya ng showbiz sa kanyang biglaang pagpanaw sa edad na 63 dahil sa cardiac arrest.

Basahin: Actor Roy Alvarez dies of cardiac arrest

Sa pamamagitan ng Twitter, nagbigay ng pahayag ang aktor na si Tirso Cruz III at sinabing isang malaking kawalan sa industriya ng show business ang pagkawala ng aktor.


Basahin: Actor Roy Alvarez dies of cardiac arrest

Nakiramay din sina Benjamin Alves, Max Collins, Paulo Avelino, at Jake Cuenca sa naiwang mahal sa buhay ni Roy.

Samantala, nalungkot ang mga katrabaho ng aktor sa panghapong serye na "Villa Quintana" na sina Maricar de Mesa, Janine Gutierrez, at Elmo Magalona sa natanggap na balita.


Kabilang si Roy sa cast ng naturang GMA afternoon series.

Bukod sa mga kasamahan nito sa industriya, nalungkot din ang mga miyembro ng EcoWaste Coalition sa biglaan pagpanaw ng aktor. Tumayo kasi ito bilang presidente ng grupo mula 2010 hanggang 2012.

Ayon sa isang pahayag na ipinadala sa GMA News Online, "With his powerful voice and creative presence, Roy contributed in many ways to our quest for a litter-free and Zero Waste nation."

Kinilala nila ang aktor bilang "Zero Waste Champion" dahil sa dedikasyon nito sa pagsulong ng Zero Waste, isang tanaw na ibalik ang ecological order kung saan walang nasasayang o nasusunog na basura.

Isa raw si Roy sa mga sumulong ng paggamit ng bayong sa Quiapo upang maiwasan ang paggamit ng mga plastic bag.

"In one event, he stood in silence in front of the Quiapo Church, along with the women of Buklod Tao, holding a miniature image of the Black Nazarene to seek public support for a garbage-free fiesta," saad sa pahayag.

Patuloy pa nito, "As we honor the memory of Roy, a gem in the Zero Waste movement, we pray for the eternal repose of his soul and extend our heartfelt sympathies to his loving wife Nieves and daughter Miren for their loss. Thank you Roy!"

Pumanaw si Roy habang nagluluksa pa ang industriya ng showbiz sa pagkamatay naman ni Arvin "Tado" Jimenez nang mahulog sa bangin ang sinasakyan niyang bus.Mac Macapendeg/KBK, GMA News