ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dion Ignacio, nagkuwento tungkol sa kanyang non-showbiz girlfriend


 
Busy man si Dion Ignacio sa kanyang bagong show na Innamorata, inamin naman niya na may time pa rin siya para sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Kuwento ni Dion na magtatatlong taon na silang magkarelasyon ng kanyang girlfriend. Aniya, lie-low sila dahil siya ay palaging nasa taping at ang kanyang girlfriend naman ay nag-aaral pa rin. Gayunpaman, gumagawa pa rin sila ng paraan para magkaroon ng communication, “So bihira kami magkita, tawagan lang o text, send ng picture, 'dito ako sa taping'. Para updated.”

Dagdag niya isa o dalawang beses sila nagkikita sa isang linggo at kapag magkasama, karaniwan nilang ginagawa ay mag-bonding through dinner dates.

Dahil madalas nating makita si Dion with different on-screen partners, itinanong ng GMANetwork.com kung nagseselos ba ang kanyang girlfriend sa mga sweet na mga eksena.

“'Di naman, naiintindihan naman niya 'yung trabaho e,” tugon nito.

Nakakatuwa naman niyang ibinahagi na tanggap umano siya ng pamilya ng kanyang girlfriend. Aniya, nakapagbakasyon na siya kasama ang pamilya ng girlfriend niya sa Boracay.

“Nakabonding ko 'yung buong family niya. Doon ko nakita, mga kapatid, mommy at daddy, mga pinsan niya. Nakilala ko sila,” kuwento niya.

Masaya naman niyang ipinahayag na tanggap siya ng pamilya ng kanyang girlfriend.

“Gusto naman nila ako. Mabait daw ako e,” ang nakangiting pagtatapos ng Kapuso leadingman. 

Abangan si Dion Ignacio sa Innamorata, pagkatapos ng Villa Quintana. Para sa updates ng paborito ninyong Kapuso stars, patuloy na mag log-on sa www.gmanetwork.com. -- Maine Aquino/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: dionignacio