ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Phytos Ramirez, bagong mukha sa ‘Paraiso Ko’y Ikaw’




May bagong mukhang nakikita sa Kapuso Network mula nang mag-umpisa ang Paraiso Ko’y Ikaw.

Siya ay si Phytos Ramirez, ang gumaganap sa character ni Brix sa nasabing Telebabad show.

Kuwento ni Phytos, bago pa raw siya makuha bilang cast ng show ay madalas silang nagpupunta ng kanyang manager na si Becky Aguila sa GMA para sa auditions. Si Becky rin ang handler ni Rhodora X star Jennylyn Mercado.

“Halos every week ay nagpupunta po kami rito sa GMA. Pine-present po nila ako sa mga boss. And the ipina-screen test po nila ako,” saad ni Phytos.

Ayon kay Phytos, sumailalim siya sa ilang screen tests bago niya nakuha ang role ni Brix.

“Ang first screen test ko po talaga ay sa Adarna. Ang role ko ay 'yung kay Geoff Eigenmann. Then si Geoff nga po 'yung nakuha. Nag-screen test din po ako sa Kambal Sirena, si Aljur po 'yung nakuha. And then ito po, finally, ako na po 'yung pinili nila. Nagtiwala po sa 'kin 'yung GMA sa role na ito,” aniya.

Pero ayon kay Phytos, hindi niya raw inakala na makukuha niya ang role dahil magagaling na Kapuso actors ang kaniyang nakalaban.

“Sabi ko, feeling ko sila na. Feeling ko wala na akong pag-asa rito, patay! Tapos iyon nagulat ako! Tinawagan na 'ko nila Tita Becky. Sabi nila na congrats! Ikaw 'yung nakuha," anang aktor.

Agad-agad daw siyang pumirma ng kontrata sa GMA kasama ang kanyang manager matapos nilang malaman na siya ang nakuha para sa role ni Brix.

Anang aktor, ilang buwan bago magsimula ang Paraiso Ko’y Ikaw ay mataas ang kanyang timbang kaya’t gumawa siya ng paraan para mabawasan ito.

“Four months ago I was 220 lbs. Sa title pa lang na Paraiso Ko'y Ikaw (ay) na-pressure ako na kailangan sexy. So 'yon nag-workout ako for four months. I am now 175 lbs. And still working out para in the future na may scene na may ipapakita na katawan, hindi naman nakakahiya 'yung katawan ni Brix,” aniya.

Sino ba si Brix sa Paraiso Ko’y Ikaw?

“Si Brix 'yung isa sa mga dahilan kung bakit lalong mag-aaway si Joyce (Ching) at tsaka si Kim (Rodriguez). Ang magiging mommy ko po rito ay si Miss G. Toengi. Siya po 'yung dahilan kung bakit namatay 'yung real mom ko. Tingnan niyo po kung paano magaglit sa mundo si Brix,” saad ni Phytos.

Patuloy na subaybayan si Phytos Ramirez sa Paraiso Ko’y Ikaw, weekdays after Tale of Arang on GMA Afternoon Prime. -- Al Kendrick Noguera/Bochic Estrada, GMANetwork.com