ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

GMA Network, nananatiling una sa Urban Luzon at Mega Manila nitong Pebrero


Hindi pa rin natitinag sa pangunguna ang GMA Network, Inc. (GMA) television ratings sa viewer-rich Urban Luzon at Mega Manila nitong Pebrero, batay sa mas kinikilalang ratings provider na Nielsen TV Audience Measurement.

'Kapuso Mo, Jessica Soho'

Mula February 1 hanggang 28 (February 23 to 28 based on overnight data), hinigitan ng GMA ang mga karibal na ABS-CBN at TV5 sa Urban Luzon matapos makapagtala ng 34.1 percent sa total day ratings. Nanguna ang GMA sa ABS-CBN na may 31.8 percent at sa TV5 na may 12.1 percent.
 
Ang bahagi ng Urban Luzon sa urban TV household population sa bansa ay tumaas pa sa 77 percent ngayon mula sa 76 percent noong 2013.
 
Mayorya (16 out of 30) na top-performing regular programs sa Urban Luzon ay mula sa GMA sa pangunguna ng multi-awarded news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).
 
Kasama ng KMJS sa top 10 ang kapwa weekend top-raters na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, Celebrity Bluff, at Magpakailanman.
 
Hindi naman nalalayo ang Saturday night sitcom na Vampire Ang Daddy Ko, hard-hitting public affairs program na Imbestigador, GMA’s flagship newscast 24 Oras,  ang longest running noontime show na Eat Bulaga, at primetime dramas na Carmela at Adarna.
 
Kasama rin sa listahan ang drama series na Rhodora X, ang longest running gag show na Bubble Gang, ang GMA’s flagship documentary program I-Witness, ang weekend game show Picture! Picture!,  ang afternoon soap opera na Villa Quintana, at ang popular Koreanovela na A 100-Year Legacy.
 
Napanatili rin ng GMA ang pangunguna bilang over-all leader sa balwarte nito na Mega Manila na may 35.3 percent, laban sa 29 percent ng ABS-CBN at 13 percent ng TV5.
 
Tumaas din ang populasyon ng Mega Manila sa 60 percent mula sa dating 59 percent.
 
Ang KMJS din ang nanguna sa mga programa ng GMA na pinapanood sa Mega Manila. Kabilang sa 16 na programa ng GMA na pasok sa top 30 list ay ang Celebrity Bluff, Magpakailanman, Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, Vampire Ang Daddy Ko and Imbestigador.
 
Hindi rin nagpahuli ang 24 Oras, Eat Bulaga, Carmela, Adarna, Bubble Gang, Rhodora X, I-Witness, A 100-Year Legacy, Picture! Picture!, Villa Quintana, at Kapuso Movie Festival.
 
Samantala, sa National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) ratings, nanguna rin ang GMA sa ABS-CBN morning block na may 30.7 percent, kontra sa 29.3 percent ng huli.
 
Ang GMA at TV5 ay kapwa subscriber ng Nielsen TV Audience Measurement, habang ang ABS-CBN ang tanging local major TV network na napaulat na subscriber ng Kantar Media, na dating kilalang bilang TNS.
 
Sa Mega Manila, ang Nielsen TV Audience Measurement ay mayroong sample size na 1,190 homes kumpara sa 770 homes ng Kantar Media. Samantala, ang sample size ng Nielsen sa nationwide urban ay 2,000 homes, na mas mataas din sa 1,370 sample size ng Kantar. -- FRJ, GMA News