ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ryzza Mae at Bimby, magkasamang nanood ng ‘Frozen’

Tuloy-tuloy ang kasiyahan hatid ni Ryzza Mae Dizon a.k.a. Aling Maliit sa mga Dabarkads at Kapuso natin. Madaling napamahal sa marami ang MMFF 2013 Best Child Performer. Walang hindi nakakakilala sa cute na cute at charming na bata. Kabila’t kanan din ang nagpapapicture sa kanya.
Last March 13, 2014, nakipagkuwentuhan si Aling Maliit sa GMANetwork.com.
Pagkatapos maging box office hit ng "My Little Bossings" kung saan nagkasama sina Bimby at Ryzza, mas naging malapit na ang dalawa. Kaya naman itinanong namin sa little star kung ano ang mga bagay na madalas nilang gawin ni Bimby kapag magkasama.
“Nanonood po ng movie, [yung] Frozen,” sabi ni Aling Maliit.
Bukod sa panonood ng movie, nagbobonding din daw sila sa paglalaro ng toys. Nakasama rin ni Ryzza ang mommy ni Bimby na si Kris Aquino at ang Pangulong Noynoy Aquino.
“Kasama si Tita Kris [Aquino] at saka PSG [Presidential Security Group] nila. Nanood kami ng 'My Little Bossings.' Nagpa-picture po kami tapos nanood kami ng sine,” kuwento ni Ryzza.
Sa sobrang cute ni Ryzza, hindi maiwasan na maraming natutuwa at madalas pagkaguluhan at panggigilan ang bibong bata.
Tinanong namin siya kung okay lang sa kanya ang mga ganoong eksena kung saan nangigigil sa kanya ang mga tao. Mabilis na “Opo” ang sinagot ng child wonder.
Patuloy na subaybayan si Aling Maliit sa "The Ryzza Mae Show," "Eat Bulaga" at "Vampire ang Daddy Ko" Year 2. Para sa updates kay Ryzza at ng paborito niyong artista at GMA shows, huwag kalimutan bumisita lagi sa www.gmanetwork.com. -- Eunicia Mediodia/Bochic Estrada, GMANetwork.com.
Tags: ryzzamaedizon, bimby
More Videos
Most Popular