ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mickey Ferriols on love: 'I take it one day at a time'


 
Hindi lamang ang career ni Mickey Ferriols ang namamayagpag ngayon kundi pati na ang kanyang love life. Gabi-gabi natin siyang napapanood bilang Marissa, ang ina nina Perlas at Alona, sa sirenaseryeng Kambal Sirena.

Masaya rin daw ang kanyang relationship with her non-showbiz boyfriend at kasundo raw ng lalaki ang kanyang eight-year-old son na si Brent.

"Happy naman, pero huwag na nating pag-usapan 'yan," pabirong sagot ni Mickey nang aming kumustahin ang kanyang buhay pag-ibig.

May balak nga raw silang lumabas noong Valentines' Day, pero hindi ito natuloy dahil nagsimula na ang taping ng Kambal Sirena sa Bolinao, Pangasinan.

"Yung date with the someone special, it will have to come after na lang siguro. Mahirap din kasi sumabay kapag Valentine's," ayon kay Mickey.

On a more serious note, Mickey reveals that she's taking things slow. Ang mahalaga para sa kanya ay nasa mabuting estado sila ngayon ng anak niya.

"I take it one day at a time. I see it as a blessing. My needs are met, my son's needs are met, basta okay lahat," paliwanag niya.

She added, "As long as you have someone in your life who inspires you, who makes you grow as a person, at mahal ka, okay ka. So nandoon ako sa okay place ngayon."

Catch Mickey Ferriols as Marissa in Kambal Sirena, weeknights after 24 Oras, on GMA Telebabad. -- Michelle Caligan, Elisa Aquino, GMANetwork.com