ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kris Bernal's birthday with a cause

Kris Bernal has remained humble throughout the years. Maituturing na isa siya sa pinaka successful na talent from the artista search show na StarStruck. Pitong taon mula nang tanghalin siyang Ultimate Love Team opposite Martin Escudero, heto pa rin at isa siya sa mga active Kapuso actress ngayon.
Kaya nitong May 14, isang early birthday celebration ang hinandog ng dalaga sa Gen. T. de Leon Elementary School sa Valenzuela city at ang mga bisita niya ay mga bata with special needs.
“Kasi ako sa totoo lang, napakalapit talaga ng puso ko sa bata, mapa-special kid or normal na bata,” sagot ng StarStruck alumna.
“Everytime na nakikita ako ng bata sa mall, sa daan, habang nagmamaneho parang natutuwa talaga ako, nagiging source of happiness ko sila sa isang araw. So napili ko talaga mga bata. And siyempre dito sa Valenzuela kasi may mga school na puro special kids. So sabi ko, sige gusto ko yan, gusto ko special kids tayo,”
Tirik man ang araw at mainit sa loob ng covered court ng eskuwelahan, walang pagod itong nakisaya kasama ang mga bata at pati na rin ang kanyang fans club na Krispers.
Dagdag pa nito plano niya isulong bilang advocacy ang pagtulong sa mga bata with special needs. “Oo, actually sa totoo lang may winoworkout kami ngayon ng GMA Artist Center. Ang pangalan nung advocacy 'Save the children', so winoworkout namin na ako ang maging ambassadress nito,” sabi ni Kris.
Last January pa ang huling soap ni Kris Bernal sa Kapuso Network, kaya inusisa ng press kung may susunod na bang project after ng Prinsesa ng Buhay Ko , “Wala pa nga eh, wala pa dumarating na soap pero sinasabihin naman nila ako na may nakahanda na para sa akin pero sa ngayon daw pahinga pahinga muna, Sunday All Stars muna.”
Ngayon na may free time ang Kapuso actress mas pinili nito na pagbuhusan ng pansin ang pag-aaral para mas higit na maimprove ang kanyang skills.
“Marami akong class na tinatake ngayon eh, nag-vovoice lessons ako, nag-speech class ako, nagpo-pole dance ako. So napupuno rin yung week ko ng puro klase. Kung anu-ano ang pinag-aaralan ko,” pagbahagi niya.
Watch out for Kris Bernal in Sunday All Stars and for more updates on your favorite Kapuso stars and shows, log on to www.gmanetwork.com. -- Aedrianne Acar/Elisa Aquino , GMANetwork.com
Tags: krisbernal
More Videos
Most Popular