Willie Revillame balik showbiz na
Sa loob ng tatlong buwan, muling mapapanood sa telebisyon ang tv host na si Willie Revillame. Sa isang eksklusibong panayam sa programang "Startalk" nitong Linggo, inamin ni Willie na balik showbiz na siya matapos ang halos walong buwan na pagpapahinga. "Babalik na po ako within three month. Sigurado na po 'yun," aniya. Hindi naman nilinaw ng tv host kung saang network siya mapapanood. "Magbibigay na po ako ulit ng saya at tulong. Nag-iipon lang po ako ng mas maraming ideas," dagdag pa nito. Huling napanood si Willie sa Wowowillie sa TV5 noong Oktubre. Lulong sa casino? Samantala, inamin naman ng tv host na paminsan-minsan ay nagpupunta siya sa casino, ngunit itinanggi niya na kailangan niyang magbenta ng kanyang mga ari-arian upang masuportahan ang bisyong ito. "Ang perang pinaglalaro ko sa casino, perang pinaghirapan ko at hindi ng kung sinu-sino," paliwanag niya. "Nag-eenjoy lang ako." Isa rin umano sa pinagkakaabalahan niya noong mga nakaraang buwan ay ang kanyang ipinatatayong 5-star hotel sa Tagaytay City. "Diyan ang focus ko ngayon. Diyan ko inubos ang panahon ko nung wala akong ginagawa," aniya. "Di totoo na natalo ako ng P600 million... P595 million lang," biro nito. "Kung nanalo naman po ako, ang dami kong natutulungan, at kung natatalo naman ay tumutulong pa rin," paliwanag niya. — Rouchelle R. Dinglasan/DVM, GMA News