ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Anak ni Marjorie at abogado ni Claudine, tila nadamay na sa hidwaan ng mga Barretto


Sa pamamagitan ng social networking sites, naglabas ng kani-kanilang saloobin ang mag-inang Marjorie at Dani Barretto patungkol kay Claudine Barretto at sa abogado nitong si Atty. Ferdinand Topacio.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post ng mensahe si Marjorie para kay Topacio na nagsasaad na, "What were you trying to insinuate Atty.topacio?"

Sa naturang post ni Marjorie, naka-screen grab naman ang isang mensahe ni Topacio na may nakasaad na, "Year of the Horse nga pala. This could be Danni Barretto's year..."

May hiwalay na post naman si Claudine sa kaniyang Instagram account na nagtatanggol naman sa kaniyang abogado. Sa naturang mensahe, pinasaringan din ng aktres ang kapatid na si Marjorie na umano'y dapat magturo ng magandang asal sa mga anak nito.

Ang anak naman ni Marjorie na si Dani, naglagay din ng sunod-sunod na mensahe sa kaniyang Twitter account na tila patama sa kaniyang tita Claudine at sa abogado nitong si Topacio.

@danibarrettoo:  "Not long ago, you would've never let anyone speak ill of me. But now, you're actually asking and paying people to insult me."
 
@danibarrettoo:  "Call me a horse all you want, ask your people to keep bashing me, I don't care. Because the people can now see, who they should believe."
 
@danibarrettoo:  "If you regret being a part of my life and ask people including your lawyer to insult me like that. just because YOU THINK my past tweets..."
 
Samantala, may post din si Topacio at nagbabalik ng tanong kaugnay sa post ni Marjorie na, "What were you trying to insinuate Atty.topacio?"

Sabi pa ni Topacio sa isa nitong post na may link tungkol sa zodiac sign: "Sana bago nag-react, binasa muna ito--travelchinaguide.com/intro/social_customs/zodiac/rooster.htm" -- FRJ, GMA News