ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Glaiza de Castro on gay people: 'Hindi ko ma-imagine yung buhay kung wala sila'
Parami na nang parami ang mga gay people ngayon. Sa katunayan ay bihira sa isang grupo na walang kaibigang bading. Pero ayon kay Glaiza de Castro, ikinatutuwa raw niya na nadaragdagan sila dahil sila ang nagbibigay ng saya sa mga tao.
Kuwento ni Glaiza, hindi siya kabilang sa mga taong ayaw sa gay people.
“Sobrang dami kong close friends na bading, 50 percent 'yan sa friends ko,” aniya.
Sa sobrang close ni Glaiza sa kanyang gay friends, minsan nga raw ay ini-imagine niya kung wala ang mga taong ito.
“Medyo yung kulay [ay] limitado lang kasi sa sobrang witty nila at yung mga salita nila na hindi kayang ma-deliver ng mga straight na lalaki at babae,” ani Glaiza.
Dagdag pa n'ya, “Kumbaga nagdaragdag ng kulay yung personality talaga nila eh, parang extreme.”
Ayon kay Glaiza, sa tuwing may problema siya ay napapasaya siya ng mga kaibigan niyang bading. Lagi raw kasi silang naroon at on the go kapag kinailangan niya ang mga ito.
Pahayag ng Dading star, “Kahit na medyo malungkot 'yung pinagdadaanan mo, iba 'yung positive energy na ibinibigay nila. Parang kung sa normal na tao na nasa 90 percent, sila [ay] nasa 110 percent. Hindi ko ma-imagine yung buhay kung wala sila.”
Pero ayon kay Glaiza, kahit na malapit siya sa mga bading ay wala siyang gaydar. Sa video interview niya sa GMANetwork.com, inamin niya sa amin na nagkaroon na siya ng crush na isang bading. -- Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com
Tags: glaizadecastro, dading
More Videos
Most Popular