ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ellen Adarna, may binawing pahayag tungkol kay Sen. Bong Revilla

Sa naging podcast interview noon ni DJ Mo Twister sa sexy actress na si Ellen Adarna, nabanggit ng huli ang pangalan ni Senador Bong Revilla Jr., na pulitikong sinubukan umano siyang "pormahan."
Sa artikulong isinulat ni Rachelle Siazon na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkues, nilinaw ni Ellen na hindi siya niligawan o pinormahan ng senador.
Paliwanag ni Ellen, “Mo [Twister] asked me kung may mga politicians ba na nagte-text or nagmu-moves. Nagte-text lang, once, [si Senator Bong]. Nothing [like], ‘Can we meet up somewhere?’ Walang ganun.”
Ang naturang panayam ay nangyari sa podcast ng 40 Forbidden Questions With Ellen, na pinangunahan ni DJ Mo Twister at guest co-host na si Bianca Valerio, noong September 2013.
Noong una, sinabi umano ni Ellen na ilang beses siyang nakatanggap ng text message mula kay Senator Bong.
Bagamat hindi raw itinuturing "indecent proposal" ng aktres ang pagpapadala ng "hi-hello" text messages sa kanya ng senador, pakiramdam niya ay tila gusto siyang pormahan nito noon.
Ayon kay Ellen, nakainom siya ng alak noon kaya marahil kung anu-ano raw ang mga nasabi niya sa interview.
Dagdag pa niya, nagkatrabaho sila ni Senator Bong sa pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote noong 2010, ngunit hanggang biruan lang daw sa set ang naging ugnayan nilang dalawa.
Sinabi pa niya na friendly text lang ang mga mensahe ng senador at "nothing weird.”
Kasalukuyang nakadetine ngayon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Sen. Bong dahil sa alegasyon ng katiwalian tungkol sa paggamit ng kanilang pork barrel funds. -- FRJ, GMA News
Tags: ellenadarna, bongrevilla
More Videos
Most Popular