ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Roi Vinzon, gusto ring maipakita ang kaniyang pagiging 'sweet'

Pagkatapos gumanap ng mabibigat at mababagsik na roles – isang heneral, isang tyrannical na pari at isang corrupt na mayor – gusto naman daw ni Kapuso veteran actor Roi Vinzon ng role na makikita ang kanyang pagiging “sweet.”
Isa sa roles ni Roi na tumatak sa isip ng mga tao ang pagiging retired general Armando Soriano, isang homophobic, sa My Husband’s Lover.
Para kay Roi, dito nagsimula ang kanyang sunod-sunod na proyekto sa pelikula at telebisyon.
Aniya, “That's the beginning of everything, after that [My Husband’s Lover] binigyan ako ng Katipunan and then Carmela. Siguro wala pang one year [ang lahat ng iyon]. Nandito ako, nangangako na gagampanan ko lang ‘yung gusto nilang [GMA] mangyari sa akin.”
Sa Katipunan, ginampanan ni Roi ang papel na Padre Villalon. Sa Carmela, siya naman si Mayor Fernando, ang makapangyarihang corrupt official na nagdulot ng pighati sa mag-inang Carmela (Marian Rivera) at Amanda (Agot Isidro).
Nakakatakot man ang kanyang role sa My Husband’s Lover, ibinahagi ni Roi na malayong-malayo ito sa tunay niyang personality.
“Ang mga may kilala sa akin, [alam nilang] hindi ako ganoon talaga. Sila na ang magsasabi kung gaano ako ka-sweet,” natatawang pahayag ni Roi.
Bukas na bukas daw siya sa ibang roles na ibibigay sa kanya.
Aniya, “Siguro someday bibigyan ako ng chance na magpapakita ng role na pwedeng ganoon siya (hindi mabagsik). Parang gusto ko ng ganoon para makita ng Channel 7 din na pwede pala ako sa ganoon. Sana bigyan ako ng role na 'di lang puro mabagsik.”
Dagdag ni Roi, okay lang sa kanya kahit gay role naman. “Puwede. General na gay? Kahit ano, puwede ako,” natatawang pagtatapos niya. -- Ann Charmaine Aquino/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: roivinzon
More Videos
Most Popular