ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

IC's Boracay tryst: Canadian walks out after learning he's gay


Biyernes Santo namin nakadaupang-palad si IC Mendoza sa dalampasigan ng Boracay kasama ang kanyang kapatid at pamangkin. Kasama rin ni IC ang kanyang ina na si Dolly Anne Carvajal, pero nagpaiwan daw ito sa isang spa para mag-relax. Habang kinukunan namin si IC ng mga litrato ay taob ang mga models sa kanyang pag-e-emote sa iba't ibang pose kaya naman maraming nakisabay sa amin sa pagkuha ng litrato kay IC. Sinubukan din ni IC ang skim boarding at pagkatapos siyang matumba ng ilang beses ay nakabisado na rin niya ang nasabing water sport. The next day, Saturday ng tanghali, ay tinex namin si IC para interbyuhin sana, pero hindi siya nag-reply. Tinawagan din naman siya, pero "not attended at the moment" ang kanyang cell phone ayon sa operator. After an hour ay tumawag uli kami just to learn na nakabalik na pala siya ng Maynila. "Umalis kami kaninang umaga at heto nasa bahay na kami. Nakakapagod. Alam mo ba, nag-walkout 'yong nahada kong Canadian kagabi? Pinag-walkoutan ang beauty ko!" kuwento ni IC sa telepono. "Nandun ako kagabi sa Pier One at may nakipagsayaw sa akin na foreigner na isa palang Canadian. Siyempre, feeling haba talaga ng hair ko. Kaya naman dance-to-death akiz at enjoy naman ang aking kasayaw kasi may payakap-yakap pa siya sa akin. "Hay, feeling girl talaga ako habang nagda-dance! Kaya lang umulan, it's raining men! Siyempre, go kami sa shade na medyo dim light at doon konting tsikahan at napalaban ako sa Inglesan. Actually, very romantic ang place kaya what do you expect next? Yun na!" natatawang salaysay pa ni IC. "Muntik na akiz naubusan ng English. Buti na lang may lumapit na lalaki at kinausap ang partner ko. Dinig ko 'yong pag-uusap nila at nagtatalo sila. Sabi nung lumapit, bading ako pero di agad naniwala yung dancing partner ko. Pero ang ending, biglang nag-walkout ang aking Prince Charming! Grabe, huh! Naka-t-shirt naman ako at di naka-mujer kaya alam niyang lalake ako, pero lasing siguro dahil girl ang pag-aakala sa akin." Marami pa sanang kuwento si IC kaso naubusan kami ng load kaya hanggang dito na lang ang historia de un amor niya tungkol sa isang maulan na gabi sa Boracay. - Philippine Entertainment Portal