ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Despite denials, Cesca Litton says her wedding was bumped off because of Heart-Chiz


Kinumpirma ni Cesca Litton na sila nga ng fiancé niyang si Tyke Kalaw ang nagpaplanong magpakasal sana sa Balesin Island Club, sa February 14, 2015, ngunit hindi natuloy dahil sa isang "celebrity-politician couple" na nagpa-reserve din daw sa ganoong petsa.

Sa statement na ipinadala ni Cesca sa isang programa kagabi, September 2, sinabi nitong makailang beses nilang tinanong ang namamahala ng exclusive-for-members-only resort kung bakante pa ba ang naturang petsa.

Sinabi naman daw sa kanila na available pa ito.

Dumaan din daw sila sa proseso ng pag-ocular inspection sa lugar at food tasting.

READ: Walang kasal na na-bump off sa Balesin resort, ayon sa may-ari

Si Toni Gonzaga ang nagbasa ng statement ni Cesca sa programa. Pansamantalang humalili si Toni at ang kapatid nitong si Alex Gonzaga bilang host, habang si Boy Abunda naman ay naka-leave pa rin.

Sabi pa ni Cesca sa kanyang statement, ipinaalam nila sa mga namamahala sa reservation, nang una nilang gawin ang ocular, na gusto nilang gawin ang wedding ceremony sa chapel, ang cocktails sa Balesin sala, at ang reception sa Toscana Village.

READ: Did she bump off another wedding at Balesin? Heart answers: 'There's no truth to it'

"IT CAME AS A SURPRISE…" Nitong lamang daw nakaraang buwan ay bumalik sila ng fiancé niya sa Balesin, kasama ang kanilang wedding coordinator at stylist, para sa "second round of oculars, food tasting, plan table layouts, sat down with managers to discuss logistics…"

Muli raw nilang nilinaw sa management kung available pa ang February 14 na petsa.

Pero nagulat daw sila nang makatanggap ng tawag mula sa kanilang wedding coordinator nito lamang Sabado, August 30, na naaprubahan na raw ang February 14, 2015 wedding date ng aktres na si Heart Evangelista at ni Senator Chiz Escudero.

Ito ay pagkatapos daw makausap nina Heart at Chiz ang may-ari ng resort na si Robert Ongpin upang i-reserve ang nasabing petsa.

Sabi pa ni Cesca, “Have we known that all it took was a call to the owner, then perhaps none of those formalities should have been followed.

“In all our trips to Balesin and discussions with management asking to reserve Feb. 14, 2015, we were always told it was available.

“We would not have invested time and money, including flying out our coordinator and stylist, had they informed us that the venue was booked from the beginning.”

Hindi sinabi ni Cesca sa kanyang statement kung nagbigay na sila ng down payment o reservation fee sa Balesin Island Club. — Arniel C. Serato, PEP

For more on this story, visit PEP.