ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ex-BF Oyo Boy Sotto still has eyes for Angel Locsin


Ayaw sanang maniwala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa inamin ni Angel Locsin na walang nanliligaw sa kanya ngayon, pero yun daw ang totoo. Ayon kay Angel, may mga nagpaparamdam sa kanya, pero walang naglalakas-loob na magpadala ng bulaklak o magsabi ng "I love you." Alam daw ng mga ito—kung sinuman sila—na hindi pa ready si Angel na muling umibig pagkatapos ng relasyon niya kay Oyo Sotto. Naikuwento rin ni Angel na nagti-text pa rin sila ni Oyo, nagkukumustahan at sinisita pa rin siya ng ex-boyfriend kung matagal siyang sumagot. "Nakakatuwa yun at pati ang hindi ko na paggu-good night sa kanya ay inirereklamo niya. Ang pangit naman kung maggu-goodnight pa ako sa kanya, di ba?" katwiran ni Angel. Ayon pa kay Angel, nag-text din daw si Oyo sa kanya para i-deny ang pagkaka-link niya kay LJ Reyes. Nasulat kasing nakita sina Oyo at LJ sa Baguio na never daw nangyari dahil iba ang kasama ni LJ that time. Hindi rin naman naniwala si Angel sa tsismis sa dalawa. Tinanong ng PEP si Angel kung bakit hindi niya kinuha si Oyo na kapareha niya sa "Angel of Mine" episode ng Angels, ang pelikulang ipinuprodyus din ng young actress. Sabi ni Angel, sina Jericho Rosales at John Prats daw ang na-consider na leading man niya na parehong hindi pumuwede. "Hindi ko naisip yun," sabi ni Angel. "Baka maging awkward din kung magsasama kami. Saka, dati pa, nag-usap na kami na hiwalay ang personal sa trabaho namin." Samantala, ayaw maniwala ni Angel sa tsismis na wala talaga silang kissing scene ni Robin Padilla sa Asian Treasures, pero pinalagyan na lang ni Binoe dahil natitipuhan na niya ang young actress. "Actually, nakasulat na no kissing scene, pero kailangan sa story kaya nilagyan at pumayag na rin ako. Hindi rin totoong nagpaparamdam sa akin si Kuya Binoe. Ganun lang yun, maalaga sa mga kasama sa trabaho," depensa ni Angel sa kapareha. Magtatapos na ang Asian Treasures sa June 15, pero sa ngayon daw ay wala pang idea si Angel kung ano ang susunod niyang project sa GMA-7. Naririnig niyang ibabalik ang Darna, pero hindi pa raw ito kumpirmado. Sa 22nd birthday ni Angel sa April 23, ang wish nito'y kumita ang Angels at ma-celebrate ang birthday sa mapipili niyang charity. Kailangan daw sa less-fortunate siya mag-share ng kanyang blessings. - Philippine Entertainment Portal