ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carlo Aquino can't look at Angelica's sexy photos


Ayaw palang makita ng young actor na si Carlo Aquino ang mga sexy pictorials ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban. Kahit ilang beses nang nag-pose si Angelica para sa iba't ibang sexy magazines at naging endorser pa siya ng isang brand ng alak at isang brand ng ladies undergarments ay never pa raw nasilayan ni Carlo ang mga sexy pictorials ng dating girlfriend. "Ayokong tingnan si Gelay [petname ni Carlo kay Angelica] na gano'n ang mga poses niya. Okay lang na makita siya ng ibang tao. Ako, parang ayoko talaga. Kapag may nadadaanan nga kaming billboard niya or tarpaulin sa mall, tinatakpan ko ang mga mata ko para di ko makita," kuwento ni Carlo. Dagdag pa niya, "Natatawa nga ang mga kasama ko kung bakit ako gano'n. Sabi ko, ayokong makita si Gelay sa ganung pose. Gusto ko siya na simple lang at hindi pinu-flaunt ang kaseksihan niya." Kahit nga raw mga magazines na featured si Angelica ay hindi bumibili si Carlo. "Kapag bumili kasi ako, feeling ko nababastos ko si Gelay," paliwanag ng young actor. "Hindi na lang ako bibili para nandoon pa rin ang respeto ko sa kanya. Alam naman niya ‘yon, e. Pati siya nawi-weirduhan sa akin. Litrato lang naman daw ‘yon. Pero para sa akin, iba ang dating, e. Hindi ako pabor, pero ano ang magagawa ko? Kung gusto ‘yan ni Gelay, katawan naman niya ‘yan, e. She's responsible enough para pasukin ang ganyan." Paano kung may narinig siyang usapan tungkol sa sexy poses ng ex-girlfriend niya? Magre-react pa kaya siya? "Kung mga kakilala ko, pagsasabihan ko na lang," ani Carlo. "Respeto lang sa dati kong mahal. Kung pag-uusapan nila nang hindi maganda, make sure na wala ako sa kuwarto para hindi ko marinig ang usapan nila. "Kung hindi ko naman kilala ang mga nagti-trip kay Angelica, aalis na lang siguro ako. Mahirap na yung marinig mong parang binabastos ang taong naging malapit sa puso mo, e. Baka makasapak ako. Pero para maiwasan ‘yon, aalis na lang ako. "Alam ko na hindi maiiwasan na pag-usapan ng mga lalake ang mga sexy poses ng kahit na sinong babae. Guilty rin naman ako sa ganyan, e. Pero kapag may kinalaman pala sa iyo ang babaeng pinagti-tripan nila, masakit pala. Kaya better na umiwas na lang ako," pangwakas na pahayag ni Carlo. Si Carlo pala ang pumalit kay JC de Vera sa role ni Phillip Salvador sa unang handog ng Sine Novela ng GMA-7 na Sinasamba Kita. Kasama niya rito sina Sherly Cruz, Valerie Concepcion, at Wendell Ramos. - Philippine Entertainment Portal