ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maricel Soriano, gustong makatrabaho ni Janno Gibbs


 
Hindi lang pang-comedy pero pang-drama rin ang Kapuso comedian-actor na si Janno Gibbs. Nang makapanayam ng GMANetwork.com ang aktor, inamin niya na mas mahirap ang mag-drama kaysa ang magpatawa.

“Mahirap sabi ko nga ‘yong My BFF, it’s a learning process for me,” pag-amin niya.

Kaya tinanong namin siya kung gusto niya pang mag-drama ulit.

“Ayoko na! Mahirap!” ang pabirong sagot niya.

Kahit mahirap man daw ang drama gusto pa rin ni Janno na ma-challenge ang sarili dito.

“Hopefully, bigyan pa rin ako ng drama. Ngayon lang ako natututo. Sana magamit ko pa sa iba kong project,” dagdag niya.

Matagal na rin siya sa industriya ng showbiz at marami na rin siyang nakatrabaho na sikat at veteran actors. Sino kaya sa kanila ang namimiss niya at gustong makatrabaho muli?

“”Yong mga unang movies namin ni Manilyn was with Maricel [Soriano]. Nakikita ko siya sa [TV] screen. Masarap makatrabaho siyang muli,” aniya.

Kasalukuyang gumaganap bilang Millet ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa Ang Dalawang Mrs. Real. Pa-intense nang pa-intense na ang mga tagpo sa nasabing show. Kamakailan lang nag-trending din ang “Bagyong Millet.” Ito ang tawag sa eksena kung saan makailang ulit sinampal ng Diamond Star ang Primetime King na si Dingdong Dantes dahil sa pangangaliwa nito sa kanya bilang si Anthony Real.

Basahin: Maricel, inagapan ang pisngi ni Dingdong na hindi mamaga matapos niyang sampalin

Willing din ba siyang masampal katulad nang nangyari kay Dingdong?

“Hindi!” mabilis niyang sagot.

May sampalan din naman daw sa My BFF pero isa lang hindi katulad nang nangyari kay Dingdong na makadalawampu’t tatlong beses nasampal ni Ms. Maricel Soriano.

Pagkatapos ng mabigat na eksena na ito, nilapatan daw kaagad ni Maricel ng yelo ang pisngi ni Dingdong dahil sa pamamaga ng pisngi dulot ng malakas na sampal.

Paano naman kung sa kaniya mangyari ‘yon?

“Maga na talaga face ko. Thankful ako na chubby ako,” natatawa niyang tugon. -- Eunicia Mediodia/Bochic Estrada, GMANetwork.com