ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Benefit concert para kay Tiya Pusit, idaraos ng ilang local artists


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patuloy na bumubuhos ang mga dasal para sa paggaling ng komedyanteng si Tiya Pusit matapos itong malagay sa kritikal na kalagayan nang ma-diagnose ng aortic aneurysm at kidney failure nitong August 26. 
 
Matatandaang nag-post ang ilang celebrities sa kani-kanilang social networking sites matapos lumabas ang balita. Kabilang sa mga nanawagan ng tulong para sa operasyon sa puso at bato ng komedyante sina Ogie Alcasid, Paolo Ballesteros, at Sherilyn Reyes. 
 
Sa kabila nito, napabalitang nasa malubha pa ring kalagayan si Tiya Pusit matapos ang kanyang double bypass surgery noong September 9. Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Christian Uybengkee sa isang mensahe.
 
Ayon kay Uybengkee, mas lumala nga ang kalagayan ng kanyang ina dahil sa stroke, blood clot, at nanghihinang kidney nito. 
 
Dahil dito, isang benefit concert ang inorganisa ng malalapit na kaibigan ni Tiya Pusit upang makatulong sa paglikom ng pambayad sa running hospital bill ng pamilya ng komedyante na nagkakahalaga na ng P1.4 million.
 
Ayon sa organizer ng nasabing event na si Elaine Lozano sa pamamagitan ng isang text message, ilan sa mga unang pumayag na isagawa ang concert sina Lotlot de Leon at Shyr Valdez.
 

Samantala, nagpapasalamat siya sa pagpayag nina Malou Fagar at Allan K na ipagamit ang Zirkoh bilang venue ng concert.
 
Aniya, “Right now, I just saw Tita Meng and she looked well. She needs friends to visit her. She can't speak but she reacts beautifully. Her eyebrows would raise like she was joking with me. I feel she will be better but we gotta help her.”
 
Idaraos ang benefit concert para kay Tiya Pusit sa October 5 sa Zirkoh Bar sa Tomas Morato, QC.
 
Para sa ticket at donasyon, maaaring ma-contact si Elaine Lozano sa 0915 881 5481. Mananatili ring bukas ang nasabing concert para sa sinomang artist na nais mag-perform. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News
Tags: tiyapusit