ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derek apologizes to ex-girlfriend Angelica over Mary Christine's concubinage case


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
May espekulasyong wala nang komunikasyon sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban mula nang tapusin nila noong May 2012 ang kanilang anim na taong relasyon.
 
Kaya ang social media ang ginamit ng The Amazing Race Philippines Season 2 host para iparating sa aktres ang paghingi niya ng paumanhin.
 
May kinalaman ang public apology ni Derek sa pagkakadamay ni Angelica sa concubinage complaint na inihain ng kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly sa Parañaque Prosecutor’s Office noong Miyerkules, October 8.
 
Idinawit ni Mary si Angelica sa kanyang reklamo dahil sa pahayag ng Kapamilya actress sa isang magazine article na matagal na panahon silang nag-live-in ni Derek.
 
Dahil sa pagkakadawit ni Angelica ay humingi ng paumanhin sa kanya si Derek.
 
Pahayag ng aktor: “I would like to apologize to Angel, her family and all her fans for what's happening right now. I assure you hindi ko siya papabayaan.”
 
Samantala, hinihintay ng publiko ang sagot ni Angelica tungkol sa reklamo laban sa kanya ng estranged wife ni Derek.
 
Ngunit sa halip na sumagot, nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng happy photo nila ng kasintahang si John Lloyd Cruz na may caption na: “This is us happy. God be with you.”
 
Ayon sa mga nakabasa nito, ito ang mensahe ni Angelica para kay Mary. — Jojo Gabinete, PEP