ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Elmo Magalona confirms relationship with Janine Gutierrez: 'Yes, kami na'


Sa kauna-unahang pagkakataon ay pormal nang inamin ni Elmo Magalona na girlfriend niya si Janine Gutierrez.
 
Sa mga nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bukas sa pagsasabi si Elmo na “exclusively dating” sila ni Janine mula pa noong Pebrero ngayong taon.
 
Ganunpaman, may espekulasyong higit pa sa “dating” ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa, base na rin sa hindi maitagong sweetness nila sa isa't isa.
 
Sa ginanap na The PEP List Awards noong Mayo, pinilit din ng red-carpet host na si Giselle Sanchez na paaminin sina Elmo at Janine na “boyfriend-girlfriend” na sila.
 
Ngunit tanging matamis na ngiti lang ang isinagot ng dalawa noon.
 
Unexpected revelation
 
Sa pocket presscon ng More Than Words sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, October 9, hindi inaasahan ang biglaang pag-amin ni Elmo na sila na ni Janine.
 
Nauna kasing dumating sa event si Janine, na nanatiling tikom ang bibig nang usasain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling entertainment reporters tungkol sa estado ng relasyon nila ni Elmo.
 
Kaya nang dumating na si Elmo, agad na tinanong ang Kapuso actor-rapper tungkol dito.
 
Noong una ay tila pinag-iisipan pa ni Elmo kung aamin na ba siya o hindi, ngunit sa huli ay nanaig ang kanyang pagiging proud boyfriend ni Janine.
 
“Yes, yes, kami na,” nakangiting pag-amin ni Elmo.
 
Ngunit kahit may official “label” na ang kanilang relasyon, sinisikap ng batang aktor na panatilihin ang kilig sa pagitan nila ni Janine.
 
Sabi niya, “Of course, there's a label.
 
"But you want to make it like you're always trying something new.
 
“I make it a point na I don't really want her to get bored.
 
“So, wala lang, I keep thinking of things to keep it fun.”
 
Ayon pa kay Elmo, ipinaalam niya sa mga magulang ni Janine na sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon ang tungkol sa intensiyon niya sa dalaga.
 
“I visit her family. And I'm actually close to her siblings,” dagdag pa niya. — Rachelle Siazon, PEP