Filtered By: Showbiz
Showbiz

Eula Valdez, bilib sa makeup skills ng pamangking si Paolo Ballesteros


Sa mga hindi nakakaalam, pamangkin ni Eula Valdez ang actor-TV host na si Paolo Ballesteros, na nakikilala ngayon internationally dahil sa kanyang make-up transformations.
 
Hindi naman ito katakataka dahil ang bloodline na pinagmulan nila ay sa angkan ng pamosong Filipino artist na si Fernando Amorsolo.
 
Ayon kay Eula, “Yung lola niya, si Tita Virginia, na kapatid ng mom ko, ang panganay ni Amorsolo. 
 
“And si Paolo, anak siya ng anak ni Tita Virginia.”
 
Sabi ni Paolo sa isang interview kamakailan, si Eula raw ay magaling ding magpinta.
 
Ayon naman kay Eula, “Pero hindi kasing-galing niya [Paolo]. 
 
“Sabi ko nga, kung buhay ang papa niya ngayon, magiging sobrang proud sa kanya.
 
“Ang tipid niya sa canvas, dahil ang canvas niya ay ang mukha niya, ‘di ba?
 
“Ang sabi ko lang din sa kanya, ingat-ingat. Kasi nakakatanda din yung ginagawa niya. 
 
“Hindi lang yung sa make-up. Siyempre meron ka ring ginagawa para i-alter ‘yon.
 
“So, nai-stretch yung… iyon lang ang winu-worry ko.
 
“Pero i-enjoy niya ‘yan.”
 
Ang bansag nga ngayon kay Paolo ay “international make-up transformation sensation.”
 
 
Loading

JENNIFERRE @jenniferre20 ???????????? #makeuptransformation #transformlangnangtransform #waedit #jenniferaniston #waglangmakitanibradpittsagabe thanks @lynellehair
 

View on Instagram
 

 
Kuwento naman ni Eula, “Last night, si Jennifer Aniston naman ang ginawa niya. 
 
“Sabi ko sa kanya, ‘Grabe ka, ang galing-galing mo!’
 
“E, ako, malaro din ako sa ganyan. Pero more on wig lang, ganyan.
 
“Pero very happy ako sa kanya na biglang may ganyan… ganyan ang ginagawa niya.
 
“Very successful siya sa ginagawa niya. Natutuwa ako sa kanya. 
 
“Sabi ko nga, “Makeup-an mo nga ako minsan. Ibahin mo lang yung hitsura ko kahit wala tayong gayahin!’” — Ruben Marasigan, PEP