ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Nova Villa, 'dinalaw' umano ng yumaong kapatid na si Tiya Pusit
Pagkatapos mailibing ang komedyanteng si Tiya Pusit, muling humarap sa ilang miyembro ng press ang kapatid nitong si Nova Villa para sa promo ng pelikula niyang 1st ko si 3rd, na ipalalabas sa Ayala Cinemas simula sa November 12.
Excited na ikinuwento Nova na sasama siya sa Honolulu para dumalo sa Hawaii International Film Festival, kung saan entry ang naturang pelikula niya.
Ibinahagi rin ni Nova sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nila tinanggap ang pagpanaw ng kanyang kapatid.
Aniya, “I’m sure, si Tiya Pusit, masaya siguro siya ngayon.
“Mas happy siya because meron kaming mga pakiramdam.
“Kung minsan kasi, let’s face it, bago pa lang siya nawala… ‘andiyan pa lang, gumagala-gala at dumadalaw sa amin.”
The visit
Ibinahagi rin ni Nova kung paano naman nagparamdam sa kanya ang namayapang kapatid.
Kuwento niya, “About three days ago, tulog ako…
“Alam ko madaling-araw na yun, pero malapit na akong gumising ng 5 A.M., kasi I go to Mass sa umaga.
“’Tapos sabi niya ‘Ate, tabi ako sa ‘yo.’ Malinaw na malinaw on my right, dito,” sabay turo ng kanyang kanang tainga.
“Gumanyan ako, naramdaman ko ang lamig. Yung parang hindi ko maintindihan kung gising ako.
“Tumabi ako sa asawa ko at saka dahan-dahan ko inano yung kumot. Hanggang sa hindi na ako natulog.
“I don’t know if it’s a dream or half-awake... alam ko meron pa, e,” napapangiti niyang kuwento.
Kahit nga raw ang anak ni Nova sa Amerika ay mayroon din daw ibinahagi kung paano nagparamdam si Tiya Pusit, at ipinapadama daw sa kanila na masaya ito sa kabilang buhay.
“Sabi ko sa mga kapatid ko, ‘You know, ang isipin natin, she’s happy.’
“Ano siya… safe. Because, malalaman mo sa mga ginagawa niya.
“Nagku-comedy siya, kasi she’s a jolly person.
“Napaka-comedian pati sa amin,” sabi ng 67-year-old comedienne. — Gorgy Rula, PEP
More Videos
Most Popular