ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Mommy Elaine Cuneta, inilibing na sa Manila Memorial Park
Inilibing na kahapon, Nobyembre 11, si Elaine Gamboa-Cuneta, ina ni Megastar Sharon Cuneta at lola ng aktres na si KC Concepcion.
Dinala ang mga labi ni Mommy Elaine sa Manila Meomorial Park sa Parañaque City mula sa Santuario de San Antonio kung saan siya ibinurol. Hanggang sa mga huling sandali, napanatili pa rin ang pagiging pribado nito base na rin sa kahilingan ng mga naiwang pamilya at kaanak.
Ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Miyerkules, nagkaroon ng necrological service sa huling gabi ng lamay noong November 10, kung saan hindi na napigilan ng Megastar na maging emosyonal.
Aniya, hindi pa rin niya natatanggap ang pagkawala ng ina.
Aniya, hindi pa rin niya natatanggap ang pagkawala ng ina.
Dagdag pa ni Sharon, hindi nila alam kung paano ipagdiriwang ang Pasko lalo na at nakatakda sanang i-celebrate ni Mommy Elaine ang kanyang 80th birthday sa December 31.
Hinihiling din niya na hindi malimutan ang mga alaalang iniwan ng ina. “I pray that you don’t forget the kind of woman she was and how big her heart was. And how wonderful that feeling that we all inherited from her.”
Samantala, nagpasalamat naman ang mag-inang Sharon at KC sa mga nakiramay at nakidalamhati sa pagkamatay ng kanilang 'Mamita.'
Ayon kay KC sa isang Instagram post, kung saan ipinakita niya na umuulan habang inihahatid ang kanyang lola sa huling hantungan nito, “Thank you all for your show of support in our family's time of mourning. We are all touched by your words of condolences. Mita Elaine will forever be alive & beautiful in our hearts. She will forever be my Hero.”
A photo posted by This is KC CONCEPCION (@thisiskcconcepcion) on
— Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News
Tags: elainecuneta
More Videos
Most Popular