ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lui Villaruz, Angel Aquino relationship: Age doesn't matter


Habang napanatiling private at malayo sa mata ng publiko ang past relationship niya with China Cojuangco, very open naman ngayon ang young TV host-actor na si Lui Villaruz sa relasyon nila ng aktres na si Angel Aquino. Unang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pag-amin ni Angel sa relasyon nila ni Lui. Hindi alintana ng dalawa ang age gap nila. Angel is 34 years old habang si Lui naman ay 29. Para sa iba ay napakasuwerte raw na maituturing ni Lui to capture the heart of one of the most beautiful actresses in the country. But for other people na malapit kay Lui, Angel is luckier dahil binata si Lui at natanggap nito ang dalawang anak ng aktres sa una nitong asawa. Bukod pa rito ay may career din naman si Lui as segment host in Magandang Umaga Pilipinas (MUP) and as an actor (he was last seen in Kasal, Kasali, Kasalo). To court or not to court? When PEP got the chance to interview Lui regarding his three-month relationship with Angel, he admitted na pinag-isipan niya muna ng ilang beses kung liligawan niya ang actress/model/TV host. "Ayoko namang sabihin na hindi, na okay lang," pag-amin ni Lui. "Hindi lang ako nagdalawang-isip, nagtatlong-isip, nag-apat na isip, pero wala, e. Once you got there, nakilala mo na yung tao na ganito, nakita mo how beautiful a person she is inside and out, babalewalain mo ang nakaraan. Ang mahalaga ay ang ngayon at kung paano niya ba hina-handle ang mga bagay-bagay." Ayon pa kay Lui, maganda ang relasyon niya sa dalawang anak ni Angel na sina Thea, 13, at Iana, 9, bukod pa sa tanggap ng kani-kanilang pamilya ang kanilang relasyon. Pero na-foresee na rin daw ni Lui na maaaring may mga tumutol sa ilang malalapit sa kanila at napaghandaan na nila ang ganitong mga sitwasyon. "Siguradong mayroon at mayroong di makakagusto," aniya. "Good thing lang is that nakakatayo na si Angel sa sarili niyang paa and ganun din ako. Kung mayroon mang gustong sabihin ang mga nasa paligid namin—lalo na yung pamilya namin at mga mahal sa buhay—maiisip nila na nasa tamang edad na kami at kaya na naming panindigan ang gagawin namin." Dagdag pa niya, "Kung makikita nilang iresponsable pa kami sa mga desisyon namin sa buhay, dun lang siguro kailangan ang basbas, desisyon, at opinyon ng ibang tao." The beginning. Matagal na raw magkakilala sina Lui at Angel, pero hindi raw pumasok sa isip ni Lui na maaari pala niyang maging girlfriend ang actress/model/TV host. "Sa imahinasyon ko lang naiisip na puwede ko siyang maging girlfriend kasi crush naman ng halos lahat si Angel. But kidding aside, di ko inisip na puwede pala na maging kami," sabi ni Lui. "Actually, matagal na kaming magkakilala ni Angel. Before, pag kasama ko ang mga past girlfriends ko, pag nagkikita kami sa labas, minsan nasa isang table pa kami. "Matagal kaming hindi nagkita, and nagkita na lang kami uli nung mag-‘Akyat-Bahay' kami sa MUP [a segment hosted by Lui last September]. Umuwi na ako nung napansin ko na naiwan ko sa kanila yung backpack ko. E, sakit ko talaga yun na nakakaiwan ng mga gamit. Kailangan ko siyang balikan. Nagpunta ako sa house niya, iniabot niya sa akin yung bag, kinuha ko ang number niya, nag-thank you ako, pero after that, hindi ako nag-text sa kaniya," kuwento ni Lui. "After a few months, nag-scroll ako sa phone ko. Nag-isip ako kung sino kaya sa mga friends ko ang puwede kong kumustahin, so I texted her [Angel]. Nag-reply naman siya, then nagkuwentuhan na kami." Marriage? Pagtatapat pa ni Lui, "Sinagot niya ako last January 17. Nagdi-dinner kami sa Parañaque when I asked her kung ano ba ang tawag sa aming dalawa. Gusto ko siya and gusto niya ako, dapat ba mag-boyfriend? Tawa siya nang tawa. "Yung relationship namin is very peaceful, walang pressure. We're very happy, and the way things are, we're very okay. Angel is such a responsible, sensitive, sweet, and, would you believe, low-maintenance girlfriend? Sobrang bait niya na minsan nauuwi na sa sobrang mahiyain." Sa tingin ba ni Lui ay mauuwi sa kasalan ang relasyon nila ni Angel? "Masyado pa yatang maaga para pag-usapan ‘yan, pero maski naman sino—first girlfiend ko, second, and so forth—laging may plano. It's so pointless kung papasok ka sa isang relationship na walang patutunguhan," pagtatapos na ni Lui. - Philippine Entertainment Portal