ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Janno admits Bing Loyzaga is hard to replace


Diretsahang sinagot ni Janno Gibbs sa harap ng misis niyang si Bing Loyzaga ang isyu tungkol sa kanila ni Gladys Guevarra at sa EB Babes member na si Lian Paz na parehong inuugnay sa singer-comedian. Nagsalita na si Janno sa diumano'y relasyon niya sa mga babaeng nabanggit sa surprise birthday party na ibinigay ni Janno para kay Bing sa Esquinita last April 10. "EB Babes, Gladys, sino pa?" tanong ni Janno. "Hindi ko naman pwedeng itanggi na walang totoo doon, pero hindi lahat yun totoo. Meron lang ilan dun." Sa muling pagkakaayos nila ni Bing, isa lang ang ibinigay na assurance ni Janno kay Bing. "Open naman kami, so ‘pag meron, malalaman naman niya yun, e. Ganun din ako sa kanya. ‘Pag merong mali-link sa kanya, malalaman ko rin. Ako ang unang makakaalam nun. Hindi na naman kailangang magtago ng kahit na ano," sabi ni Janno. Together again? Nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bing, sinabi nitong they will just take things one day at a time. Wala na raw mahihiling si Bing kung anuman meron sila ni Janno sa ngayon. Ano ang masasabi ni Janno sa pahayag ni Bing? "Ano kami, ano pa lang kami ngayon, kumbaga, MU—maraming utang!" biro niya. "Hindi, ‘eto na lang, siguro mahirap kasing planuhin, mahirap sabihin na, ‘Hindi, magkakabalikan kami.' I'm sure pareho naming gusto na sana. Sana kusang loob kami na magkabalikan ng loob as lovers. "Pero whether or not mangyari yun, forever na kaming mag-asawa talaga. Kahit sabihin na mangyari na magka-boyfriend siya, magka-girlfriend ako, e, mag-asawa pa rin kami. Hindi na matatanggal yun," paliwanag pa ni Janno. Aware naman si Janno na may mga nanliligaw kay Bing. "Ay, wala naming sinabi lahat yun, e!" kampanteng sagot ni Janno na may halong biro. May plano ba siyang makipagsabayan sa mga manliligaw ni Bing? "Sinasabi ko naman na kahit noon pa, e, nag-start na ako," aniya. Sleeping together? Nilinaw rin ni Janno ang balitang doon na ulit siya natutulog sa bahay nila ni Bing. "Kahit naman nung natutulog ako sa kabila, e, inuumaga din ako sa kuwarto niya. Kasi nagpi-Play Station kami, nanonood kami ng DVD. Hanggang umaga na, so nakakatulog na rin ako dun. So ganun din naman, di ba?" aniya. At this point, they're still working para muling maibalik ang dati nilang relasyon ni Bing. "Time lang yung nag-aano talaga para maibalik yung trust, iba-iba ‘yan, e," sabi ni Janno. "May trust, may feelings, daming stages ‘yan, so isa-isa. Pero ang dapat kong unahin siguro yung trust." Ano ang gagawin niya para mabalik yung trust? "Ayun ang hindi ko alam!" sagot niya. "Hindi ako sanay, e. Ang starting point namin is yung pagiging open nga namin sa isa't isa. ‘Pag may pumuporma sa kaniya, tinatanong din niya ako kung may tsiks ka bang bago. Ganun kami ka-open." Nagseselos ba siya kapag nagkukuwento sa kanya si Bing about her suitors? "Hindi," ngiti ni Janno. "Kasi mga pumoporma lang naman, e. Sabi naman niya na di niya type, ganun. Minsan naman pinagtatawanan ko yung iba, pinagtatawanan namin. Meron din akong dialogue na, ‘Wag naman ‘yan!'" Irreplacable. Aminado si Bing na wala pang nakakahigit kay Janno among her suitors. Ano ang masasabi ni Janno rito? "Ay, wala talaga! Mahihirapan siyang makahanap ng ganito!" tawa niya ulit. Sa kabilang banda, inamin din ni Janno na kahit siya man ay mahihirapang makahanap ng tulad ni Bing. Pero ano ba talaga yung binabalik-balikan niya kay Bing? "Marami, e. Magaling mag-alaga. Uhm...performance!" biro ni Janno. "Maganda ang performance niya sa bahay, sa pag-aalaga ng mga bata," pahabol niya. Annulment. Napapag-usapan din nila ni Bing ang tungkol sa annulment ng kanilang kasal, pero tahasang sinabi ni Janno na hindi siya pabor sa annulment. "Alam naman niya yun, e. Sinabi ko naman sa kanya na just in case na ituloy niya, di ako makikipag-cooperate," sabi ni Janno. Sa kakaibang set-up nila ni Bing, hindi imposible na magkaroon ulit sila ng pangatlong anak. Sumingit si Bing sa usapan na nasa tabi lang namin that time at sabay sabi ng, "Siya [Janno] siguro. Ay, sensya na, sensya!" Hindi naman nanahimik si Janno at sinagot niya si Bing: "Pasalamat ka nga nag-negative yung..." Alyssa and healing. Samantala, nag-celebrate ng kanyang ika-18th birthday ang panganay na anak nina Janno at Bing na si Alyssa. Special request ng dalaga na sa Boracay gawin ang kanyang debut na tinupad naman nina Janno at Bing. Sa birthday celebration ni Bing nung April 10 sa Esquinita, nandun din sa party ang non-showbiz boyfriend ni Alyssa. Ano ang masasabi ni Janno ngayong dalagang-dalaga na ang kanilang panganay ni Bing at mayroon na ngang boyfriend? "Hindi ako nalulungkot unlike Bing. Proud lang ako sa anak ko kasi growing up na mabuting tao. Nakikita naman ng lahat, e. Hindi ako nao-off na may boyfriend siya," sabi ni Janno. Boto ba siya sa boyfriend ni Alyssa? "Oo, okay naman siya. Mabait naman siya," maikli niyang tugon. Ilang days after ng birthday ni Bing, pumutok ang balita na nagkaayos na sina Bing at ang dating na-link kay Janno na si Jackie Forster (ex-wife ni Benjie Paras). Nauna rito, nagkabati na rin si Bing at sina Regine Velasquez at Jaya. Matatandaan na na-link din noon sina Regine at Jaya kay Janno. "I'm very happy for her [Bing]," sabi ni Janno. "Kasi ano rin yun, e, kumbaga, tinik din sa dibdib niya yun pati dun sa mga taong yun. So nakahinga nang maluwag yung parehong kampo. So happy ako for them. Hindi naman ako kasama dun sa away na yun. Sabit lang ako." - Philippine Entertainment Portal