ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK: LJ Moreno and Jimmy Alapag welcome baby girl
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
Matapos ang apat na taong paghihintay, biniyayaan na ng anak ang mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag.
Isinilang ang kanilang anak na babae na pinangalanang Keona Skye nitong nakaraang Biyernes, December 5.
Ito ang bunsong anak ng aktres at ng hoops star kasunod ng 2-year-old baby boy na kanilang inampon ilang araw lamang bago malaman ni LJ na nagdadalang-tao siya.
Ayon kay LJ sa naunang pahayag, “It was all in God's perfect time, once na-establish yung business and si Jimmy rin towards the end of his [PBA] career, so he can be more hands-on. So, nakita namin na, 'Okay, plano talaga ni God ito.'"
Nagpasalamat naman si Jimmy sa suporta at panalangin ng mga kaanak at mahal sa buhay.
— RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular