ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Top 7 crying moment ni Ryzza Mae Dizon


Ilang artista at manonood na ang humanga sa babaw ng luha ni Ryzza Mae Dizon. Acting man o makatotohanan ay napaka-cute at nakakaawa talaga si Aling Maliit.
 
Ngayong magtatapos ang 2014, balikan natin ang ilan sa pinakamahusay na dramatic scenes ni Ryzza Mae sa kanyang show at sa Eat Bulaga.
 
Top seven: Actingan with Gary Estrada at Bernadette Allyson

May mga nakakatawa mang sinabi ang mag-asawa, tuloy pa rin ang tulo ng luha ni Ryzza Mae. Ayon kay Bernadette, mas magaling pa si Ryzza na mag-drama kaysa sa kanila.
 

 
Top six: Iyak habang nagsusuot ng sapatos

Nagbigay lang ng sitwasyon si Direk Joel Lamangan at agad-agad na-act out ito ni Ryzza.
 

 
Top five: "Sana Mahalin Mo Ako" reenactment

Hindi malilimutan ng Noranians ang pelikulang tinampukan ni Nora Aunor at ng kanyang anak na si Lotlot de Leon. Nang mag-guest si Lotlot sa The Ryzza Mae Show, hindi pinalampas ni Aleng Maliit ang pagkakataon na ma-reenact ito.
 

 
Top four: Birthday ni Bossing

Halata ng lahat ang closeness ni Vic Sotto at ni Ryzza kaya’t isa sa pinaka-heartwarming moments sa Eat Bulaga this year ay ang birthday ni Bossing. Na-teary eyed ang dalawa pagkatapos basahin ni Ryzza ang kanyang sulat.
 


Top three: Sitwasyon sa Yolanda

Pina-imagine ni Direk Maryo J. delos Reyes na nasalanta at naging biktima si Ryzza ng Typhoon Yolanda.



Top two: The sampaguita vendor

Sa sobrang bigat ng emosyon sa actingan, nahirapan si Ryzza Mae na maka-recover pagkatapos ng kanyang scene with Aiko Melendez. Niyakap pa siya ni Aiko para mapatahan.


 
Top one: Pangalawang Bukas

Kakaibang husay sa drama ang pinakita ng mga Dabarkads sa kanilang Lenten special. Nakakatawa man sa totoong buhay sina Jose Manalo at Ryzza Mae, napukaw nila ang mga puso ng mga manonood sa kanilang pagtatanghal bilang mag-ama.



-- Mary Louise Ligunas, GMANetwork.com