ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dennis Trillo admits: 'Hindi lang ako madaldal sa personal'



 
Karamihan sa mga artistang nakakatrabaho si Dennis Trillo sa unang pagkakataon ay pareho ang sinasabi - masyadong tahimik ang aktor at hindi nila alam kung paano siya kakausapin.

Pero ayon sa award-winning actor, hindi lang talaga siya madaldal.

"Hindi lang ako madaldal sa personal, at hindi ako masyadong ma-showbiz kasi," pahayag ng Hiram na Alaala leading man.

Aniya, nadadala lang niya ang pagiging tahimik sa set.

"Tahimik kasi talaga ako sa totoong buhay. Nadadala ko 'yun sa trabaho kaya minsan siguro nahihiya sila na kausapin ako, ganun. Ganun lang talaga ako."

Nakikipag-usap naman daw siya kapag makaka-relate siya sa pinag-uusapan.

"Depende naman 'yan sa mga topic na pinag-uusapan. Minsan kapag feeling ko hindi ako makaka-relate, hindi na ako nagsasalita."

Hindi rin daw kailangang ma-intimidate ng kanyang co-actors sa kanya dahil simpleng tao lang daw at hindi niya naiisip na mas lamang siya sa kanila.

"Hindi ko naman iniisip na porket matagal na ako sa showbiz ay medyo lamang na ako. Para sa akin, pantay-pantay lang naman lahat eh. Kung papaano nag-a-adjust 'yung isang artista sa bago niyang katrabaho, ganun lang din, na hindi iniisip 'yung mileage or whatever na achievement." --  Michelle Caligan/Elisa Aquino, GMANetwork.com
Tags: dennistrillo