ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Ara Mina gives birth to a healthy baby girl


Isang maagang pamasko para sa aktres na si Ara Mina at partner nitong si  Bulacan mayor Patrick Meneses ang pagsilang ng kanilang panganay na anak na si Amanda Gabrielle nitong Miyerkules ng umaga.
 
Matatandaang nauwi sa miscarriage ang unang pagbubuntis ng aktres, kaya naman lubos ang pasasalamat niya at ng kanyang kasintahan sa maayos na panganganak.
 
“The perfect gift this Christmas! Our Mandy... Thank you Father for the safe delivery of our healthy baby girl. There's nothing more I can wish for. We are truly blessed. A very merry Christmas indeed! Thank you for all the prayers,” aniya sa isang Instagram post isang araw pagkatapos ipanganak si Mandy.
 
Ayon pa kay Ara sa mga naunang pahayag, hindi siya masyadong nahirapan sa pagkakataong ito kaya naman itinuring na niyang maagang Pamasko ang kanyang panganay noong Abril pa lamang, kung kailan niya nalaman na ipinagbubuntis niya ito.
 
 

A photo posted by Ara Mina ???? (@realaramina) on


 
 
 
 
 
 
— RSJ, GMA News
Tags: aramina