Joey Marquez trying to woo Alicia Mayers back
After ng isang taong pakikipagrelasyon ni Alicia Mayer kay Joey Marquez, hindi pa muling handang magmahal ang morenang sexy actress. Sinabi ni Alicia na bumabalik sa kaniya sina Joey at ang dati niyang asawa. Pero sakaling makikipagrelasyon muli, ang gusto ni Alicia ay yung sigurado at pangmatagalan na. Kaya naman wala muna siyang panahon sa love sa kasalukuyan. Ito ang inamin ni Alicia sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Wednesday sa taping ng K! The P1 Million Videoke Challenge nina Allan K at Jaya sa 8 Waves Resort sa Bulacan. Ayon sa sexy actress, hindi pa siya handang magmahal muli kung wala rin itong tiyak na patutunguhan. "Matanda na tayo kaya gusto ko naman kapag nakipagrelasyon muli ay yung sigurado na. Totoong bumabalik yung ex-husband ko, sinusuyo niya ako ulit. Pero mas maganda ang relasyon namin ngayon bilang magkaibigan. Kaya tama na muna yung ganon," sabi ni Alicia. Dagdag pa niya, "Parang napagod na kasi ako sa pakikipagrelasyon. Although matagal naman ang interval bago uli ako magkaroon ng boyfriend. After kasi ng relasyon ko kay Edu [Manzano] na nakaisang taon din kami, sumunod na yung sa amin ni Joey." Inamin ni Alicia na naniniwala siyang totoong minahal din siya ni Joey bagama't nalaman niyang may iba pa itong karelasyon habang sila pa. "Ang alam ko kasi, after Kris [Aquino] and yung non-showbiz girl, wala na, ako na lang talaga. Pero hindi pala, nakausap ko kasi mismo yung non-showbiz girl and nalaman kong ongoing pa pala ang relasyon nila ni Joey. So after kong na-confirm âyon, ako na ang nakipagkalas kay Joey . Bumabalik-balik si Joey sa akin. Pero sabi ko, âTama na, tigilan na natin ito.' Ayoko kasi ng ganon," paglalahad pa ni Alicia. Sinabi pa ni Alicia na wala siyang pinagsisisihan nang makipagrelasyon siya kay Joey dahil naging masaya naman siya sa piling nito. "Talagang I felt Joey's love for me," sabi niya. "Ako pa nga ang nagpaplano ng lahat, kung ano ang gagawin namin and everything. Pati yung titirhan naming bahay, ako ang nagpa-ayos, nag-design. Then, âyon na nga, hanggang natapos na yung relasyon. Pero okey lang, tapos na âyon, magkaibigan naman kami ni Joey ngayon." Samantala, okey lang kay Alicia kung hindi siya nakasama sa show na ipinalit sa Lagot Ka, Isusumbong Kita dahil hindi nga naman mababago ang format ng Who's Your Daddy Now? kung kasama pa rin silang mga dating artista sa Lagot Ka. Anyway, mayroon pa naman daw siyang show sa GMA-7, ito ang Muli with Alfred Vargas, Carrie Lee, and Marian Rivera. "Pang-hapon naman ang beauty ko ngayon o pang general patronage na!" nakatawang pahayag ni Alicia bilang pangwakas. - Philippine Entertainment Portal