ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Oyo Sotto on his relationship w/ Angel


Tinawagan ni Oyo Sotto ang ex-girlfriend niyang si Angel Locsin sa unang oras ng kaniyang kaarawan noong April 23. Past midnight nang tawagan ni Oyo si Angel. Sinabi ng young actress na nasa Boracay siya. Hindi rin inilihim ni Angel ang mga kasama niya sa Bora, kasama na rito ang co-star niya sa Asian Tresures at nali-link sa kaniya ngayon na si Marvin Agustin. "Hindi siguro ako ang unang bumati sa kaniya kasi past 12 [midnight] na yun, e. Ibig sabihin, muntik ko pang makalimutan ang birthday niya!" nakangiting pahayag ni Oyo sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sa press con ng Pedro Penduko at Ang Mga Engkantao, last April 22, sa ABS-CBN compound. Walang regalo si Oyo kay Angel dahil, katwiran niya, mas marami raw pera ang ex-girlfriend niya kesa sa kanya. In fact, may bago pa nga raw sasakyan si Angel. Angel and Marvin. Tinanong din namin kay Oyo ang possibility na baka kasama rin nina Angel at Marvin ang isa pa nilang co-star sa Asian Treasures na si Robin Padilla, na sinasabing isa sa mga dahilan ng hiwalayan nina Oyo at Marvin. "Okay lang sa akin. Nasa kanila yun. Matatanda na sila, may isip na sila," matipid ngunit malaman na pahayag ni Oyo. Angel and Paolo. Bukod kina Marvin at Robin, nali-link din si Angel kay Paolo Paraiso na co-star naman niya sa pelikulang Angel, the first venture of Angel as a movie producer kasama ang kaniyang manager na si Becky Aguila. Balita pa ngang si Angel ang naghatid kay Paolo sa ospital nang maaksidente ang ex-partner ng sexy actor na si Mylene Dizon. "Sa akin, wala naman. Hindi ako affected na, ‘Naku, nililigawan si Angel. Baka hindi na maging kami.' E, sabi ko nga, basta ako, kung totoo man yun, kung sino man ang totoo doon, kung si Marvin man o si Paolo, basta mahalin lang nila yung babae. Kumbaga, sabi ko kasi, mahal ko si Angel. So mahalin nila, huwag nilang sasaktan, huwag nilang lolokohin. Basta gusto ko maging masaya lang si Angel," paliwanag ni Oyo. Ayon pa kay Oyo, hindi raw sumagi sa isip niya na hintayin na lang na magkaroon ng bagong boyfriend si Angel saka siya maghanap ng panibagong girlfriend. "Kasi, if ever, kung kunwari magkaroon ng boyfriend si Angel ngayon, kung si Paolo o si Marvin, okay lang. Basta maging masaya lang siya. Kasi alam naman niya yung ginagawa niya. Yun nga, e, yung friendship lang talaga. Yun lang ang importante sa akin. Huwag lang yun mawawala sa akin," sabi ni Oyo. Sa kabila ng hiwalayan, nanatiling open daw ang communication nila ni Angel. At isa sa mga napag-usapan nila lately ang tungkol sa tsismis kina Angel at Paolo. Kuwento ni Oyo, "Sabi ko sa kaniya, ‘O, natsistsismis ka na! Grabe na ang tsismis sa ‘yo!' Inaasar ko nga siya. Sabi niya, ‘Oy, Oyo, ano ba yung lumabas na ‘yon?' Sabi ko, ‘Hindi ko alam.' Nagulat nga ako tinanong ako ng The Buzz kung ano raw ang reaksyon ko na natsitsismis sila ni Paolo. "Sabi niya, ‘Yun na nga, e. Hindi ko nga alam. Kaibigan ko lang naman yung tao.' Sabi ko, ‘E, di pag-usapan ninyo ni Paolo. Kayong dalawa ang mag-usap.' Kasi, sabi ko, ayokong makialam. Ayokong panghimasukan yung buhay niya or yung silang dalawa kasi sa kanila yun, e. "Hindi naman sa nagalit ako sa kaniya o iniiwan ko siya sa ere. Sabi ko lang sa kaniya, na parang, 'dapat kayong dalawa ang mag-usap kasi out ako doon, e.' Kumbaga, mabuti sana kung kami, tapos bigla silang natsismis. Talagang magsasalita ako. "Ang sabi niya sa akin na they're friends. Oo, nagti-text sila, ganyan. Alam ko lumalabas sila, pero more than that wala na, e." Encounter with Paolo. "Yung kay Paolo," pagpapatuloy ni Oyo, "pagkatapos na pagkatapos ng interview sa The Buzz, pagkaalis ko sa ABS, pumunta na ako kina Mylene kasi ini-invite nga nila ako na mag-Shangri-La kami, kumain muna kami. Tapos, sakto, pagkatapos naming kumain pumunta si Paolo. Nakakatawa, sabi ni Mylene, ‘O, pupunta dito si Paolo, pupunta dito si Paolo!' Guma-ganun siya. "Sabi ko, ‘Sige, sige. Okay lang yun.' Tapos tinatanong pa ako ni Bing [Loyzaga] na parang 'Okay ka lang ba? Hindi ba kayo mag-aaway?' Sabi ko, ‘Bakit naman kami mag-aaway? Hindi naman ako galit dun sa tao. Tsaka wala na ako doon. Hindi ko na sila dapat pakialaman.' "Tapos dumating si Paolo. Nung una, tahi-tahimik lang ako. Sabi ko, ‘Pao, musta na si Angel?' Sabi niya, ‘Hindi, hindi ko nakakausap. Hindi ko nga naka-text.' Sabi ko, ‘Hindi nga, e. Mas ako nga hindi nakaka-text. Bihira ko na lang kausapin.' Sabi ko pa sa kaniya, ‘Kumusta mo ako kay Angel, ha?' Tapos nung paalis siya, sabi ko, ‘Pao, pag nag-usap kayo ni Angel kamustahin mo ako, ha?'" Dagdag ni Oyo, "Sabi naman ni Angel sa akin, hindi naman talaga nanliligaw [si Paolo]. Siguro sabihin natin, gusto niya si Angel o crush niya, di ba? Or may pagtingin siya, sabihin na lang na ganun. Pero yun lang ang sabi sa akin ni Paolo, na hindi naman daw niya talaga nililigawan. "Pareho lang sila ng sinabi sa akin ni Angel. Mas nauna pang sinabi actually ni Paolo yun sa akin na harap-harapan kaming nag-usap. Parang sabi pa nga ni Paolo sa akin noon, ‘Wala, nagte-text lang talaga kami. Pero hindi ko talagang sinasagad na totoo nanliligaw ako sa kaniya. Hindi ganun.'" Handa na ba so Oyo sakaling magka-boyfriend na uli si Angel? "Basta isipin lang niya yung gagawin niya," sagot niya. "Siguraduhin niya ang desisyon niya at maging happy siya. Siyempre yung aalagaan din siya nung lalaki." Reconciliation with Angel? Aminado si Oyo na hindi na mawawala sa puso niya si Angel. Pero tahasan niyang sinabi na hindi siya umaasa na magkakabalikan pa sila. "Ayokong umasa. Ayoko ring magsalita ng tapos. Basta yun na lang sa akin, e. In God's time na lang. Kung magiging kami ni Angel, magiging kami, di ba? Kahit pa sabihin mo na ilang boyfriends pa ang dumaan sa kaniya o ilang girlfriends ang dumaan sa akin, kung kayo naman sa huli, kayo talaga," positibong pagtatapos ni Oyo. - Philippine Entertainment Portal