ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

ALAMIN: New Year’s resolutions of some Kapuso celebrities


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ilang araw matapos pumasok ang Bagong Taon, marami na ang naglilista ng kani-kanilang New Year's resolution o mga nais baguhin at simulan, pati na ang mga inaabangan para sa mas masayang taon, gaya na lamang ng ilang Kapuso celebrities.

Sa ulat ng Unang Hirit ng GMA News nitong Lunes, inihayag ng singer at performer na si Julie Anne San Jose na nais na niyang bawasan ang pagiging clumsy. 
 
Samantala, nais naman raw mas magpakabait ng Kapuso heartthrob at Hiram na Alaala star na si Dennis Trillo.
 
Aniya, “Mas magpapakabait siguro, and mas magiging conscious sa good deeds. Kailangan mayroon parating magandang ginagawa.” 
 

Naniniwala naman ang singer na si Jaya na dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan niya noong nakaraang taon, kailangan niyang maging mas matatag para sa lahat ng hamon ng buhay ngayong Bagong Taon.
 
Matatandaang bukod sa pagkakasakit ng kanyang ina na si Elizabeth Ramsey, nawalan din ng anak si Jaya dahil sa miscarriage o pagkakalaglag
 
“You always have to look forward to everything diba. Kasi last year was bittersweet for me. I lost a baby, I underwent another surgery, my mom was getting sick because matanda na. A lot of things just went on in 2014 that make you realize na life is too short and I'm really keeping my faith stronger na with Jesus. Pagdadaanan naman natin lahat. We just got to be stronger and have faith,” paliwanag ng singer.
 
Looking forward naman ang Metro Manila Film Festival 2014 Best Actress na si Jennylyn Mercado sa mas maraming comedy projects matapos ang tagumpay na nakamit ng kaniyang MMFF entry na 'English Only, Please' kasama si Derek Ramsay.
 
Hiling ni Jen, “Mas madami pang rom-com or soap. Na-enjoy ko talaga (ang comedy). Napakagaan sa pakiramdam na umuwi sa bahay ng masaya.” — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News