Lino Cayetano mum on relationship with KC
Pinagkaguluhan halos lahat ng entertainment press si Lino Cayetano, the director behind the first StarStruck of GMA-7 and Anghel Na Walang Langit of ABS-CBN, sa Imperial Palace Suites kagabi, April 26. Dumating si Direk Lino along wit sister Senator Pia Cayetano sa naturang press con, na ibinigay ni Mother Lily Monteverde, bilang suporta sa kapatid na si Congressman Alan Cayetano, na ngayo'y tumatakbo bilang senador under Genuine Opposition (GO). Naitanong kay Direk Lino ang tungkol sa first movie niyang ididirek under Star Cinema, na magsisimula na ang shooting this Monday, April 30, with Gerald Anderson and Kim Chiu as lead stars. Ayon kay Direk Lino, nakapag-bonding na raw siya sa kanyang mga artista "I've spent a lot of time na with Kim and Gerald. Last week, nag-bonding kami. Nag-bike kami na magkakasama. Natapos na yung successful soap nila [Sana Maulit Muli], so they are now preparing for the movie," nakangiting pahayag ni Lino. "I'm very excited kasi dedicated sila sa movie. Naka-focus silang dalawa ngayon in making a good movie and to elevate their performance. Sabi ko nga sa kanila, sa bawat gawin nila, ibang level na yun, e. Napakaganda ng nagawa nilang soap, na katatapos lang, and now that they are making a movie. They can make a new experience for themselves at sa mga manonood. "Pero ayoko po sanang masyadong pag-usapan ang pelikulang gagawin namin dahil nakakahiya naman," referring to Mother Lily na nagkaloob ng press con para sa kanyang kapatid. KC Concepcion. Nang may magsimulang magtanong kay Direk Lino about KC Concepcion, napakagaling niyang umiwas sa topic at huwag magbitiw ng katugunan sa anumang tanong na ibato sa kanya. Nagsimulang pumutok na may namamagitan kina KC at Lino nang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sinasabing pag-a-out-of-town nila noon sa Boracay at pagdi-date sa Tagaytay. Maging ang sinasabing pagsunod ni Lino kay KC sa Hong Kong bago ito bumalik ng Paris para mag-aral ay pinagpiyestahan ng media at fans. When asked kung kumusta na sila ni KC, paiwas na sinabi ni Lino na, "Ay, thank you, thank you, thank you po sa inyong lahat," sabay ngiti at hakbang papasok na sa loob ng function hall ng Imperial Palace Suites. Ganunpaman, nag-follow-up question pa rin ang PEP kung bakit ganoon na lang ang pag-iwas ni Lino na pag-usapan ang dalagang anak ni Sharon Cuneta. "Marami kasing interesting na buhay kaysa sa akin," sagot niya. "Hindi naman ako suplado. Ayoko lang talagang pinag-uusapan ang buhay ko. "Talagang mahiyain lang ako. Hindi mahilig sa harap ng kamera. Gusto ko lang ma-focus ang attention sa work na ginagawa ko. Kaming mga direktor, mga writer... Ang dami sa amin, sa atin, na hindi napapansin because we work behind the camera. "So hindi rin fair na porke't may advantage ako sa dine-date ko or dahil sa hitsura ko, I get more attention. I guess it's just fair to all all who work hard behind the camera na doon lang din ako pumuwesto. Kasi I think, more attention should be given to their work," paliwanag pa ng bunsong anak ng yumaong senador na si Rene Cayetano. Sa kabila ng pag-iwas ni Lino na sagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ni KC, sinubukan pa rin ng entertainment press na humirit pa rin ng tanong: Ano nga ba talaga ang status ng relasyon nila? "Ay, sori! Kailangan na? Sorry, sorry," patay-malisya pa rin niyang sagot, na kunwari ay may tumatawag na sa kanya sa loob para pumasok. Kuya Kiko. During the open forum, patuloy pa ring dine-deadma ni Lino ang anumang mga pasaring ng entertainment press sa kanya regarding his lovelife. Pero hindi naman nakaiwas sumagot ni Lino when asked kung sa election daw ba na ito, bagama't nasa GO ticket ang kapatid na si Congressman Alan Cayetano, ay mag-i-straight GO vote siya o iboboto rin niya ang stepfather ni KC na si Senator Francis Pangilinan, na tumatakbo naman as an independent candidate. "Yes, iboboto ko si Kuya Alan and yes, definitely, iboboto ko si kuya Kiko! At hindi ko lang po siya iboboto, ikakampanya pa!" may diin at pagmamalaki niyang tugon. Bakit "kuya" ang tawag niya kay Kiko? "Kasi po, kaibigan ni Ate Pia si Kuya Kiko kaya masasabi ko po na una ko po siyang nakilala bago ang sinumang member of his family, like Ate Sharon and KC. Naku, napasagot akong bigla dun, ah!" natatawang hirit pa niya bilang pangwakas. - Philippine Entertainment Portal