Asia Agcaoili launches sex toy line
Hindi Roger o Jessica ang pangalan ng rabbit toy ng sexy actress-TV host na si Asia Agcaoili. Walang pangalan ang rabbit na paboritong laruan at madalas magbigay kay Asia ng "self-pleasure." Ang nasabing rabbit ay isa lamang sa mga adult toys ni Asia na malapit nang mabili mula sa kanyang adult website. Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, in full operation ang Asia's Toys by June. Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Asia, sinabi nito na hindi malulugi ang mga taong tatangkilik sa kanyang sex toys. Maliban sa rabbit, highly recommended ni Asia sa mga kalalakihan ang gel na tinawag niya na "clit stimulator." Nasubukan na raw niya ang naturang produkto at talagang napasigaw siya sa sarap na epekto nito. Binigyan ni Asia ng sample ng "clit stimulator" ang ilang showbiz personalities, pero tumanggi siyang i-reveal ang kanilang mga pangalan. So far, lahat daw ay satisfied sa product sampler na kanyang ipinamigay. - Philippine Entertainment Portal