ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Isang simbahan sa Madrid, 'di pinalampas ni Marian na 'di mapuntahan


Sa pagpapatuloy ng honeymoon ng Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Europe, hindi pinalampas ng Kapuso Primetime Queen ang pagkakataon na balikan ang lugar kung saan siya ipinanganak—ang Madrid, Spain.
 
Matapos ang maraming taon na pamamalagi sa Pilipinas, sa wakas ay nagkaroon muli ng pagkakataon si Marian na bisitahan ang napakagandang siyudad ng Madrid. Siguradong mas masaya itong binalikan ng Kapuso actress ngayon dahil kasama na niya ang asawang si Dingdong.
 
Sa pagpasyal nila sa Madrid, napadaan sila sa simbahan ng San Miguel Arcangel. Ayon sa post ni Marian sa kanyang Instagram account, dito raw siya bininyagan noon.
 
Kakaiba pa rin daw ang pakiramdam kahit na wala pang muwang si Marian noong bininyagan siya.

“Ang sarap gunitain ang nakaraan kung saan ako bininyagan. Masayang-masaya ako na ika'y aking binalikan,” post niya sa kanyang Instagram account.

Bago nito, isang larawan din ang inilagay ni Marian sa kaniyang Instagram bago magtungo sa Madrid na nagpapasalamat sa Diyos sa matiwasay nilang pamamasyal sa Roma.
 



 

 
 
-- Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com
Tags: marianrivera