ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Anong uri ng hayop sinuwerte si Chef Boy Logro?
Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.comAng success umano ni Chef Boy Logro ay nagmula sa isang tupa. Kaya naman napapanahon ang taon na ito para ibahagi ang kanyang pinagdaanan para maging Idol sa Kusina.
Taong 1989 umano nang madestino si Chef Boy sa Oman, at dito siya nakilala ng hari ng Oman.
Kuwento ni Chef Boy, paborito ng hari ang tupa dahil karaniwang ipinagbabawal sa mga Muslim ang pagkain ng baboy. Dito niya inihain ang kanyang signature dish na approved ng hari ng Oman, ang baked adobo lamb.
Aniya, "Dun ako nakilala [sa baked adobo lamb, tinanong nila] sino gumawa nito? Sabi niya [ng hari ng Oman] sa akin, napakasarap [ng baked adobo lamb]."
Dahil sa baked adobo lamb na gawa ni Chef Boy, naging personal chef siya ng dating hari for 10 years. Matapos nito ay nagsunod sunod na ang kanyang mga suwerte hanggang sa ma-discover siya bilang isang Kapuso celebrity chef. - Ann Charmaine Aquino, GMANetwork.com
Tags: chefboylogro
More Videos
Most Popular