LOOK: Saab Magalona-Jim Baccarro wedding in Baguio City
Ikinasal na nitong Sabado ang musicians na sina Maria Isabella Simone "Saab" Magalona at Jeremiah "Jim" Bacarro sa isang simbahan sa Baguio City.
Matatandaang nag-propose noong nakaraang taon si Jim nang mag-bakasyon sila kasama ang pamilya ni Saab sa Japan.
Magkasama sina Saab at Jim sa indie rock band na Cheats, kung saan si Jim ang guitarist, keyboardist at vocalist ng kanilang banda, habang tumatayo ring vocalist si Saab.
Kabilang sa mga nagsidalo sa intimate celebration na ito sina Maxene Magalona, na nagsilbing maid of honor ni Saab, at ang pamilya at kaibigan ng bagong kasal.
Naroon din sina Megan at Lauren Young na dalawa sa siyam ng bridesmaids, pati na sina Michael V. at Malou Choa-Fagar na kabilang naman sa principal sponsors.
Dumalo rin ang More Than Words star na si Janine Gutierrez kasama ang on- and off-screen partner na si Elmo Magalona.
The most beautiful bride you will ever see. ???????????? #JimSaabSaveTheWorld
A photo posted by Maxene Magalona (@maxenemagalona) on
You may now kiss the bride. ???????????? #myprecious #pokemon #JimSaabSaveTheWorld
A photo posted by Maxene Magalona (@maxenemagalona) on
Mabuhay ang bagong kasal!!! ???????????? #JimSaabSaveTheWorld
A photo posted by Maxene Magalona (@maxenemagalona) on
The beshies with Mrs. Bacarro ???? #JimSaabSaveTheWorld
A photo posted by Maxene Magalona (@maxenemagalona) on
A photo posted by Allan Diones (@allan_diones) on

— Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News