Kris says James Jr is her 'one million-peso baby'
Ipinadala ni Kris Aquino sa kanyang personal secretary na si Cynthia ang regalo niya kay Ms. Cory Vidanes, ABS-CBN's Vice President for Programming, sa opisina nito noong mismong kaarawan ng lady executive last May 15. Kasabay ng regalo ni Kris kay Ms. Vidanes ay ang invitation para sa binyag ni baby Jamesâang anak ni Kris sa basketball player na si James Yapâsa Sabado, May 19, sa Don Bosco Church. Isa sa mga ninang si Ms. Cory ni baby James, along with Lucy Torres-Gomez and Claudine Barretto. Red, black, and white ang motif ng binyag ni Baby James. Pagkatapos ng binyag, magiging busy na ulit si Kris sa kanyang showbiz career. Magsisimula na siyang mag-taping for Kapamilya Deal Or No Deal anytime now. Ngayon pa lang ay super-bilin na si Kris sa mga kasama niya sa bahay na bantayang mabuti si baby James habang wala siya sa bahay. Ni-remind na ni Kris sa kanyang personal assistant na si Alvin na lagi silang tatawag sa bahay para kumustahin si baby James once mag-start na siyang mag-taping for Deal Or No Deal. Tuwang-tuwa rin si Kris dahil ngayon pa lang ay inuulan na ng endorsements ang kanyang bunso. Bago pa man kasi isilang si baby James ay marami na ang nakaabang at nag-o-offer kay Kris. In fact, meron nang tinanggap si Kris na endorsement para sa isang diaper brand bago pa man siya makapanganak. Dahil sa labis na katuwaan at pagiging proud Mommy ni Kris kay baby James, natawag niya na "one-million-peso baby" ang kanyang bunso in one of their bonding moments. Worth P1 million marahil ang talent fee ni baby James for every endorsement na tatanggapin ng kanyang Mommy Kris. After four months, may bagong product endorsement na lalabas si baby James with his famous mother. - Philippine Entertainment Portal within the day.