ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Never magiging tama yung mali, ayon kay Ervic Vijandre




(Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com)

 
Tatlong tulog na lang at matutunghayan na ang pinakabagong afternoon drama series sa Kapuso network, ang Kailan Ba Tama Ang Mali?

Dito ay gaganap ang bagong Artist Center talent na si Ervic Vijandre bilang si Joseph.

“Expect nila ‘yung mga malalalim na payo ko about relationships,” ani Ervic sa panayam ng GMANetwork.com.

“Ganun ‘yung role ko kasi best friend ako dito ni Geoff Eigenmann, he’s playing the role of Leo. About relationships ‘yung problema dito, ‘yun ‘yung mga tinatackle namin dito,” pagpapakilala niya.

Ang ilan daw sa mga ipapayo niya sa programa ay base daw mismo sa kanyang personal experiences.

“Based on the title itself, para sa akin never talaga sa akin magiging tama yung mali. More of ano ako eh, maging loyal ka, maging faithful ka sa relasyon,” wika ni Ervic.

“Even sa mga friends ko, ganun ako lagi. Pagnagbi-break sila or nagku-cool off sila, laging ako yung ‘Wag, sayang naman. Okay na siya. Mahirap maghanap ng ganyan.’ Medyo emo ako talaga na tao,” dagdag niya.

Ano naman kaya ang maipapayo niya para sa mga single ngayong papalapit na ang Araw ng mga Puso?

Tugon niya, “Sa mga kagaya kong single ang maa-advise ko lang, wag kayong ma-pressure na kailangang magkaroon kayo ng events sa Valentine’s day. Relax lang. Kung dadating, dadating ‘yan.”

“Wag niyo ipilit kasi masama pag pinipilit eh, hindi lang ikaw ‘yung maaapektuhan, baka pati ‘yung tao. Mahirap pumasok sa isang relasyon na hindi mo talaga alam kung talagang gusto mo eh,” dugtong ng aktor. -- Cherry Sun, GMANetwork.com