ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ama ni Heart Evangelista, may mensahe para sa bagong kasal
By Ni BIANCA ROSE DABU, GMA News
Hindi man nakadalo ang mga magulang ni Heart Evangelista sa kasal ng kanilang anak kay Sen. Chiz Escudero noong Linggo, hindi naman nalimutang magpaabot ng mensahe ang ama ng aktres na si Reynaldo Ongpauco.
Sa wedding reception na ginanap sa Toscana Garden, Balesin Island sa Quezon Province, binasa ng pinsan ng aktres na si Happy Ongpauco ang naturang mensahe.
Sa wedding reception na ginanap sa Toscana Garden, Balesin Island sa Quezon Province, binasa ng pinsan ng aktres na si Happy Ongpauco ang naturang mensahe.
"If the time comes that we see that you and Chiz are happy and if I see him loving you the way you deserve to be loved, I will come knocking at your door," ayon sa ama ni Heart.
A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on
Hindi naman napigilang maluha ng aktres, na mag-isang naglakad patungong altar sa seremonya ng kasal sa kabila ng alok ng kanyang mga kapatid na ihatid siya.
Sa ngayon ay hindi pa nakapagpapaabot ng mensahe ang kanyang inang si Cecilia Ongpauco.
Aniya sa mga naunang pahayag, mas nanaisin niyang maglakad sa aisle mag-isa dahil walang makakapalit sa kanyang ama.
"Siyempre, sad ako. Pero para sa akin, big moment na din siguro na I'll walk alone. Kasi yung mga kapatid ko, tinanong nila: Do you want us to walk you? But I said nobody can replace my dad. My dad is my dad," paliwanag ni Heart.
Naganap ang kasalang Chiz at Heart nitong Linggo, February 15, sa Balesin Island Club, Quezon Province. — RSJ, GMA News
Tags: heartevangelista, chizescudero
More Videos
Most Popular