ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jam Sebastian, hindi nawawalan ng pag-asang gagaling sa cancer


Tila nabuhayan ng pag-asa si Jam Sebastian na gagaling pa siya mula sa sakit na lung cancer. Ngayong araw lamang ay kinamusta niya ang kanyang mga followers sa Instagram at sinabing, "God is healing me everyday.

Siya lang talaga nagpapagaling at nagpapalakas sa akin! Ingat kayo buong araw at always believe that GOD WILL AMAZE YOU EVERYDAY!"
 


 
Mahigit isang buwan nang naka-confine sa St. Lukes's Medical Center Global City si Jam. Nasa stage 4 na ang kanyang cancer na kumalat na rin sa kanyang mga buto. Matatandaan na kamakailan lang ay hiniling ni Jam sa ina ang mercy killing dahil sa lubos na hirap na pinagdaraanan nito.

Samantala, noong Valentine's day ay sinorpresa si Jam ng kanyang fiancée na si Mich Liggayu sa pamamagitan ng isang flash mob.  -- GMANetwork.com
Tags: jamsebastian