Oyo on Angel and Marvin: Wala silang relationship
Matigas ang paninindigan ni Oyo Sotto na walang relasyon ang ex-girlfriend niyang si Angel Locsin at si Marvin Agustin. Mismong si Angel daw kasi ang nagsabi kay Oyo na wala silang relasyon ni Marvin. "Hindi naman kami nagtataguan sa isa't isa ni Angel kasi nandoon pa rin âyong friendship namin. Kaya âyong tsismis sa kanila ni Marvin, wala talaga. Wala silang relationship ni Marvin. Noong una, akala ko sila na nga, e. Sabi ko [kay Angel], âHoy, hindi mo sinasabi sa akin, kayo na pala ni Marvin.' Sabi niya, âHindi, âno! Hindi talaga kami," sabi ni Oyo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Sine Serye nila ni Anne Curtis na May Minamahal. Matatanggap ba niya kung sakaling mag-on na nga sina Angel at Marvin? "Okay lang, it wouldn't matter," sagot niya. "Sabi ko naman kay Angel, noong mainit pa âyong isyu ng Angel-Marvin, âKung maging kayo man, okay lang. Basta isipin mo âyong gagawin mo. Huwag kang magmadali." Kung may Marvin na natsitsimis kay Angel, boyfriend na rin daw ngayon ng isa pa niyang ex na si Anne si Sam Milby. Ano ang masasabi niya rito? "Sa mga ex koâkay Anne at kay Angelâpag may nali-link sa kanila, hindi naman ako nagseselos kasi wala naman, e. No point, e. Wala namang point para magselos ka kasi hindi ko naman hawak ang buhay ni Anne. Hindi ko hawak ang buhay ni Angel. Buti sana kung asawa ko sila, kung asawa ko si Anne o si Angel, di ba? E, kung may mali-link sa kanila, maaasar talaga ako, magseseos talaga ako," sabi ng bunsong anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Between Angel and Anne, kanino âyong malaki ang chance na makipagbalikan siya? "I don't want to compare," safe na sagot ni Oyo. Hindi ba siya nanghihinayang kapag nakikita niya sina Angel at Anne with other guys? Ani Oyo, "No, hindi ako nanghihinayang kasi kung tutuusin... Parang, hindi naman sa pag-aano, kasi parang panalo pa rin ako. Kasi ang haba ng pinagsamahan namin ni Anne, e. Lumaki kaming magkasama. Simula bata, naging kami tapos nagkahiwalay kami hanggang sa heto na; 23 na ako, siya 22. Tapos ngayon, eto, magkasama na naman kami. "Parang nakakatuwa lang kung iisipin," patuloy niya. "Kaya pag nagkukuwentuhan kami, âOy, naaalala mo dati âyong ganito, ganyan, noong mga bata tayo?' Nakakatuwang isipin na parang hindi ko iniisip na sana ako na lang âyong kasama ni Anne doon sa show or sana kami ni Angel âyong magkasama sa show na âyon. Sana ako na lang âyong kaloveteam. Sana ako na lang âyong boyfriend. Hindi ganun. âYong sa akin ngayon, âyong pinagsamahan talaga. âYon ang importante. Kumbaga, âyong sa puso." Mas type pa rin ba niya na magkaroon ng girlfriend na taga- showbiz? "Sa totoo lang, ang hirap para sa akin," sabi ni Oyo. "Kung papipiliin lang talaga ako, gusto ko hindi taga-showbiz. Kasi ang hirap, e. Minsan naman, ang kawawa doon âyong non-showbiz girlfriend. Kasi minsan, sila âyong hindi nakakaintindi. "Ang hirap naman kapag may showbiz girlfriend ka o kung showbiz couple kayo. Minsan hindi nagkakaintindihan kapag kunwari may mga trabaho, lalo na kapag may ka-loveteam ka. Diyan nagkakaselosan ganyan, nagkakaasaran. Tapos âyong time na hindi kayo nagkikita. So, mahirap talaga. "Kaya sa akin, ayoko munang mag-date. Or kapag tinatanong nila ako kung gusto kong balikan si Anne or si Angel, âyong sa akin, hindi ko muna iniisip talaga." Sa ngayon, trabaho muna raw ang focus niya. Gusto niyang makatrabaho in the future si Bea Alonzo na isa sa mga crush niya, bukod kay Maja Salvador na kasama naman niya sa Pedro Penduko at ang mga Enkangtao. "Crush ko âyang sina Bea, si Maja. Ang gagaling nilang umarte. Sobrang ina-admire ko silang dalawa. Nagagalingan ako sa kanilang dalawa umarte. âYong intense na ramdam na ramdam mo talaga kahit sa TV mo lang nakikita, tatamaan ka talaga," papuri niya sa kanyang dalawang crushes. - Philippine Entertainment Portal