Jackie Forster, itinangging gumamit ng iligal na droga at sumiping sa ibang lalaki
Patuloy ang mga patutsada ng dating aktres na si Jackie Forster sa kanyang ex-husband at PBA legend na si Benjie Paras, ama ng dalawa niyang anak-- ang teen star na si Andre Paras at basketball sensation na si Kobe Paras.
Sa pagkakataong ito, inilahad ni Jackie ang mga detalye sa likod ng akusasyong gumamit siya ng iligal na droga at nakipagtalik sa ibang lalaki sa harap ng kanyang mga anak.
Sa isang Instagram post, inilagay ni Jackie ang larawan na kasama niya sina Anne Curtis, Chesca Garcia, at iba pang mga kaibigan sa Boracay, ibinahagi ni Jackie na hinding-hindi niya magagawa ang mga akusasyon laban sa kaniya.
Aniya, "I was having sex with someone in front my kids? False. If you can speak to any man I have been intimate with, I have never been comfortable with my body. The only time I started becoming more confident was when I met my husband. Why or how would i do this in front of my children?"
Dagdag pa niya, sa naturang trip kung saan sinasabing mayroon siyang ginawang hindi maganda, dalawang beses lamang niyang iniwan sina Andre at Kobe: upang makunan ang litratong naka-post, at matapos silang patulugin noong gabing iyon.
"I walked back to the room alone and sober and a drunk man was pounding on the door trying to get in. He wasn't a friend. He wasn't welcome. I tried my best to shut the door right away and cried myself to sleep."
Samantala, sa isa pang photo na naka-post sa Instagram ni Jackie, nilinaw naman niya ang akusasyong gumagamit siya ng droga sa harap ng kanyang mga anak.
"I never kept drugs in my home, as whatever I tried before was just given to me by a friend out in a club or an after party. What or why would I do that at home with my kids?" aniya.
Dagdag pa ni Jackie, hindi niya maisip kung paano malalaman nina Andre at Kobe kung ano ang droga gayong walo at anim na taong gulang pa lamang sila noon. "Whatever these kids have been fed and supposedly saw dapat tinanong na lang ako ng ama nila or kinausap ako ng mabuti."
Handa rin umano si Jackie na sumailalim sa polygraph o lie detector test kung papayag rin ang kampo nina Benjie na sumailalim dito upang matapos na ang isyu.
Locked up at home 'like a dog'
Sa isa pang post, isiniwalat naman ni Jackie na minsan na siyang ikinulong ni Benjie sa kanilang bahay matapos silang magkasundo sa temporary seperation.
"When he found out I found my own apartment with my own money, he locked me up in our home! He literally used a 'padlock' so I could not leave," giit ng dating aktres.
Dagdag pa niya, ilang araw itong nagtagal bago maawa ang kanilang maid at ituro sa kaniya kung saan nakatago ang susi.
Aniya, "Daig ko pa ang aso! You think I'm lying? Look for my maids and ask my best friend. He told her and her husband that he thought that's what's needed to be done to me."
Naniniwala rin si Jackie na lalabas na ang lahat ng baho ni Benjie at maliliwanagan na sina Andre at Kobe. Gusto lamang daw niyang makausap muli ang mga ito at mahalin siya kagaya ng dati.
"Andre and Kobe can choose what kind of men they want to be known as and what kind of example they want to set to the youth. All I ever wanted was for them to come back to me and love me again, just as it was before," ayon kay Jackie.
Ayaw namang patulan ni Benjie ang mga bagong patutsada sa kanya ng dating asawa na si Jackie Forster na ipinost nito sa Instagram.
“Hayaan na natin ‘yan. Mag-move on na tayo,” sabi ni Benjie. Patuloy pa ng basketball star turned comedian, “Masaya na ako sa kanya nung nagpakasal siya at nagkaroon ng dalawang anak.
“Sana masaya na lang tayo sa isa’t isa.” -- FRJ, GMA News