ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kylie Padilla, may bagong crush na taga-showbiz




(Photo by Bochic Eestrada, GMANetwork.com)


"Mayroon akong nagugustuhan ngayon pero hinay-hinay lang, enjoy-enjoy lang."
 
Ito ang naging sagot ni More Than Words star Kylie Padilla nang aming usisain kung may nagugustuhan ba siya ngayon sa showbiz. Matatandaang May of last year kinumpirma ng aktres na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica. Kamakailan ay inamin rin niya na muli silang nagkikita pero friends lang daw sila.
 
Sino kaya itong napupusuan niya?
 
"Secret! Kasi grabe ako ma-in love eh, todo, so I don't want to. Showbiz, kaya ayoko nga . [I tell myself] Guard your heart," natatawa niyang sabi.
 
May isa pang dahilan si Kylie kung bakit ayaw niyang sabihin ang pangalan ng kanyang crush.
 
"Ayoko, kasi magiging issue na naman kaya secret na lang," patuloy niya.
 
Hindi na rin daw siya apektado sa mga nagsasabing hindi pa rin siya nakapag-move on sa paghihiwalay nila ni Aljur.
 
"People don't get that I just reveal too much on my Instagram and stuff like that. It's an outlet. They don't get to see me 24/7. So when they say na hindi pa ako nakakapag-move on, ganun ba kayo kababaw? Kahit ano'ng sabihin ko, they will find a way to twist it to make it seem na I'm bitter. So ako, parang bahala na, kung 'yan ang gusto niyong isipin, eh 'di go." -- Michelle Caligan, GMANetwork.com
Tags: kyliepadilla