ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Claudine Barretto and Raymart Santiago, reunited?
Nakitang magkasama ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago kasama ang kanilang mga anak noong nakaraang Linggo.
Ang naging reunion daw ng pamilya Santiago ay para magpakita ng suporta sa fun run na inorganisa ng Multiple Intelligence International School (MIIS) kung saan nag-aaral si Sabina.
Sa mga litratong pinost ni Claudine, makikitang nakabihis pantakbo ang kanilang pamilya. Kinuhaan din niya ng litrato ang kanyang dating asawa kasama ang kanilang mga anak.
Sa huling panayam kay Raymart ay ipinahayag ng Second Chances star na hindi na sila magkakabalikan pa ng kanyang asawa, ngunit maaari pa rin silang maging magkaibigan. -- CHERRY SUN, GMANetwork.com
Tags: claudinebarretto, raymartsantiago
More Videos
Most Popular