ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Four seasons for John Prats and Isabel Oli's prenup sessions


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Habang papalapit na ang usap-usapang summer wedding nina John Prats at Isabel Oli, muling naglabas ng pre-nup photos ang magkasintahan sa social media nitong nagdaang linggo.

Kagaya ng flash mob wedding proposal ni John noong Setyembre ng nakaraang taon, very unique rin ang quadruple-themed photos nila ng kanyang fiancee.

Tampok ang aktor at si Isabel sa mga larawan na may iba't ibang backdrop ng apat na seasons-- ang winter, spring, summer, at fall.

 

A photo posted by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on





 

A photo posted by john paulo prats (@iamjohnprats) on



 

A photo posted by john paulo prats (@iamjohnprats) on



 

A photo posted by john paulo prats (@iamjohnprats) on



Tuloy-tuloy na nga ang paghahanda nina John at Isabel para sa kanilang kasal, at nitong holiday season, hinandugan ng isang surprise trip ni John ang kasintahan upang makapag-bonding at bakasyon, at para na rin makapamili ng kanyang wedding gown sa Amerika.

Ayon kay Isabel, si John mismo ang lumakad sa meeting para sa kanyang wedding gowns, na mula sa sikat na New York-based fashion designer na si Vera Wang. Magkakaroon daw siya ng dalawang damit para sa kanilang special day.

Samantala, pinag-iisipan pa ng magkasintahan ang exact date ng kanilang kasal, ngunit sigurado na daw na magiging garden o farm wedding ito, ayon na rin sa dream wedding ni Isabel.

Inilahad rin ng bride-to-be sa mga naunang pahayag na nais niya ng isang simple at intimate na wedding kasama ang kanilang pamilya at pinakamalalapit na kaibigan, na maaaring gawin sa isang resort ng pamilya ng aktor sa Batangas. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News