ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Diana Zubiri’s kikay bridal shower


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos ang sweet at scenic na Tokyo proposal ng model na si Andrew Smith sa aktres na si Diana Zubiri, ginanap naman nitong Sabado ang bridal shower ng aktres sa isang nail salon and spa sa Quezon City kasama ang ilan sa malalapit niyang kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
 
Pinangunahan ng "Second Chances" star na si Camille Prats at ni Melissa Avelino-Pili ang pag-organisa ng naturang bridal shower para sa kaibigan.
 
Naroon din ang ilang celebrities gaya nina Roxanne Barcelo at Karylle, na nakasama ni Diana sa mga teleserye gaya ng "Encantadia."
 
Nitong nakaraang buwan lamang, inilabas na rin nina Diana at Andy ang kanilang pre-nup photos na kinunan sa Japan kung saan naganap ang kanilang engagement, bilang simbolo umano ng hilig nilang mag-travel. 
 
"There's nothing better than travelling with u and come may we will be travelling for the rest of our lives together," ayon kay Andrew sa isang Instagram post.
 
Narito ang ilang larawan mula sa bridal shower ni Diana mula sa Instagram accounts @camilleprats, @anakarylle, at @dianazubiri_

 

 

 

 

 

 

 

 
Bianca Rose Dabu/KG, GMA News