ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Daughter of Janice De Belen hurt by rumors linking her mom to Gerald Anderson


“I don’t have any reaction to that. I actually don’t know anything about that.”

Ito ang tugon ni Inah Estrada nang hingan ng reaksiyon tungkol sa isyung ang kanyang inang si Janice de Belen daw ang dahilan ng hiwalayan nina Gerald Anderson at Maja Salvador.

Nabuhay rin muli ang isyung nagli-link kina Janice at Gerald.

Sabi pa ni Inah tungkol sa isyu, “Basta sila na yun… I don’t wanna get involved right now on that."

Sa kabila nito, inamin ng young actress na nasasaktan siya at nao-offend sa paratang na ibinabato sa ina.

“Of course, you know, there will always be people who will have that idea, ‘A, there’s maybe something.’

“Sila yun, e, you can’t control people’s mind about things.”

Ang mahalaga raw ay alam mong wala kang ginagawang masama sa kabila ng iniisip ng ibang tao tungkol sa iyo.

Ayon pa kay Inah, hindi nila napag-uusapan ng kanyang ina ang tungkol sa isyu.

“No, actually no. We don’t talk about it.”

Inamin naman ni Inah na nakilala niya na nang personal si Gerald.

“Yeah, oo naman, na-meet ko na siya, of course.”

Nag-umpisa ang bulung-bulungan tungkol sa pagiging malapit nina Janice at Gerald nang magkasama sila sa isang teleserye kung saan gumanap sila bilang mag-ina.

Namatay ang isyu nang matapos ang kanilang teleserye. Ngunit nabuhay itong muli nang pumutok na ang hiwalayan nina Gerald at Maja kamakailan.

Kung si Inah daw ang masusunod, gusto niyang huwag nang pumasok sa panibagong relasyon ang kanyang ina, lalo’t kung makikita niyang masasaktan lang ito.

Pero kung saka-sakaling magmahal muli ang ina, isyu kaya kay Inah kung sa mas bata mahuhulog ang loob ng kanyang mommy?

Sagot niya, “The last boyfriend she has was younger than her.

“If she loves someone and if, for example, that person is younger than her, there’s nothing wrong with that.

“Just as long as nirerespeto ang mom ko and that he shows us na mahal niya talaga ang mom ko.

“That’s the answer for that, yun lang naman ang kailangan.” -- PEP

For the full story, visit PEP.